LOVE CONFESSION CHAPTER 58 PANAY ang landas ng mga luha ni Celine sa kanyang pisngi. Panay din ang hikbi nito pero tamang iyak lang na walang tunog. Kung pwede lang sanang may wind shield ang kanyang mukha ay wala sanang mababakas na palatandaang siya ay lumuluha. Panay din ang tingin nito sa kanyang selpon na kanina pa tumutunog. Mga tawag, text messages na sa iisang tao lamang galing. "Hindi mo ba talaga sasagutin ang tawag niya?" tanong ni Dana kay Celine. Umiling si Celine habang panay pa rin ang pagluha nito. "Ano ba talaga ang nangyari? Diyos ko, anong oras na at ora- orada kang napapasugod! Kinakabahan ako sa'yo Celine ha? Sa totoo lang," sabi naman ni Shaina. Dumiretso si Celine kay Dana na tulala at hindi makapagsalita. Wala itong ginawa kundi ang lumuha at humikbi. Kaya nam