~(CHANTAL LANE SY POV) "What about caremal, babe?" I asked him. "Hm-mm, masarap din. Tikman mo itong chocolate." Ibinuka ko ang bibig ko at sinubo ang cake sa kutsarang hawak nito. Tumango-tango ako. "Tastes good." Tinikman ko rin ang ube kahit na alam kong parehas kaming hindi mahilig doon. "Wanna try it? Masarap din." Tanong ko sa kaya habang nakaturo ang tinidor ko sa plate ng ube cake. "Oo nga, mukhang masarap." Akala ko ay tatanggi itong tikman. Lumapit ito sa akin, akala ko ay titikman niya ang ube but he just kissed my lips. He smirked. "Masarap nga, manamis-namis." Pa-simple kong kinurot ang tagiliran nito dahil mayroong babaeng nakaharap sa amin explaining all the cake's prices and flavors. "Ouch!" Daing nito. Ngumuso ito. He was really childish. Mabuti na lang at sa h