Chapter 6

2521 Words
~(CHANTAL LANE SY POV) Pinaglalaruan ko lang ang ballpen sa kamay ko habang nakatingin sa kawalan. Really, hindi ako nakatulog. Simpleng halik lang iyon sa pisngi ko ngunit binagabag na ako noon buong magdamag. Akala mo naman ay hindi pa ako nahahalikan sa buong talambuhay ko. "Ma'am gusto niyo po ng kape?" Lyn asked. I closed my eyes and shook my head. "Cold water, please." Dinilat ko lang ang mga mata ko nang makabalik na si Lyn. Ininom ko ang tubig na binigay niya sa akin pagkatapos ay muli akong tumingin sa kawalan. What's with that kiss at hindi mo makalimutan ang halik na iyon? Paano pa kung mga labi ko ang hinalikan nito? My self knew how I wanted to stop myself. ~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) Pinikit ko ang mga mata ko and bit my lower lip. I couldn't believe that I did that. Mabuti na lang at nakaalis agad ako sa harap niya after doing that kung hindi ay baka nasa ospital na ako ngayon. Amazona pa naman ang babaeng 'yon. Pero kung ospital man ang kahahantungan ko, I would never regret kissing her. Dati ko pa gustong gawin iyon... but something's stopping me. Hindi ako nakatulog. I f*****g couldn't focus on my work. Bukod sa masama ang pakiramdam ko dahil sa lagnat ay hindi siya mawala sa isip ko. Dang! I missed her scent already. ~(CHANTAL LANE SY POV) "Ma'am?" sumilip si Lyn sa office ko. "Yes?" "Hindi daw po pumasok si Ma'am Zen ngayon sa office." Sumulyap ako sa orasan. 10:30 am. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Nagmamadali akong lumabas ng building habang sinusubukang tawagan si Zen. Hindi ito sumasagot. Tumawag ako ng ambulansya dahil nasa level 99.9 ang pagiging praning ko. Malakas ang kutob ko na nag-take na naman ito ng sleeping pills. If that was the case pang-apat na beses niya na iyon. That was why lagi kong pinapatawag si Lyn kay Alex to ask if Zen was in her office. Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila ni Kier. Pumayag siyang bigyan ako ng duplicate keys dahil nalaman niya rin na kinupit ko ang isang duplicate key ng glass door sa garden nila at nalaman niyang ako ang nakakasira ng halaman sa garden niya dahil sa pago-over the bakod ko. I just wanted to make sure that time na mapapasok ko siya sa loob ng bahay nila ni Kier in case na may mangyaring hindi maganda sa kanya. May ambulance na sa labas ng bahay, mabuti na lang at napagkakatiwalaan ko ang instinct ko at naabutan ko nga siyang nakahiga sa bed hawak ang bottle ng sleeping pills. Sinugod namin siya sa ospital. Napa 'thanks god' na lang ako nang sabihin ng doctor na okay na siya. Napapikit ako nang mariin. Ilang beses niya pa bang gagawin 'to? Pang-apat na beses na 'to na halos atakihin ako sa puso sa sobrang pag-aalala sa kanya. Ang sabi ng psychologist mas mabuting mag-stay siya sa hospital for therapy pero hindi niya gusto iyon. "You okay?" agad akong napadilat sa boses na narinig ko. Kahit mata lang niya ang nakikita ko because he was wearing a face mask ay alam ko kung sino ito. "What are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hanggang dito ba naman ay nasundan niya ako? "Because you called me." Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman kita tatawagan?" "Baka na-miss mo na ako." Alam kong nakangisi ito sa likod ng mask. "No way, Gabe." Inirapan ko ito. "Assumero ng taon." She chuckled. "Really, you called me up, sabi mo mag-standby ako ng ambulance sa address na binanggit mo." Bahagya akong napanganga and checked my phone. Last dialed... siya nga ang tinawagan ko. Napalunok ako. BAKIT SIYA ANG TINAWAGAN MO CHANTAL LANE!? "I'm sorry... I was just... really, I panicked. Sorry to disturb you." "It's okay." Gusto ko ng itakwil ang sarili ko for being that stupid. "Why are you wearing that?" Turo ko sa mask niya. "I have a fever, sorry..." Umatras ito. Agad naman akong umiling with a hand gesture. "It's okay, malakas immune system ko." Nagkatitigan kaming dalawa. There we go again... Naalala ko na naman ang paghalik niya sa akin last night. Para akong malulusaw sa mga mata nito. "Uhm..." Lumunok ako. "Why don't you get yourself checked then?" "Papunta na nga ako sa doctor." Tumango ako. "That's better. I have to go inside." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pumasok na ako sa loob ng room ni Zen bago pa ako malusaw sa mga tingin niya. Hindi ko yata kayang tingnan ang mga mata niya ng matagal. Parang tinotorture ang dibdib ko sa pagkabog. Hinintay kong magising si Zen. Agad kong hinawakan ang kamay niya ng maramdaman ko ang paggalaw niya. "Bal..." panimula ko. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Hailey at Jade. "Bal...what happened to you again, ha?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Hailey sabay puwesto sa kabilang side ng bed at hawak sa kamay nito. "Painumin mo muna ng tubig." I said to her. Sinunod naman nito ang sinabi ko. Pagkatapos mapainom si Zen ng tubig ay umupo siya sa gilid ng kama nito. "Bal, tigilan mo na ang sleeping pills. Baka pag hindi ka namin nakita nang maaga, eh, matuluyan ka. Paano nalang kami, ha?" she said, teary eyed. "It's okay to take sleeping pills kung nahihirapan ka talagang matulog, pero, bal don't overdose," malumanay na sabi ko. "Gusto ko ng umuwi..." she said. Nagkatingingan kami ni Hailey. Muli akong bumaling sa kanya at kinuha ang kamay niya. "You'll go home tomorrow, okay? For now dito muna tayo until magkaroon ka ng enough energy." Tumulo ang luha niya. Si Hailey naman ay patulo na rin ang luha. I glared at her at bahagya kong pinilig ang ulo ko signaling her na lumabas muna ng silid. Sinunod niya naman ang sensyas ko at lumabas muna sila ni Jade. Humugot ako nang malalim na hininga. "Bal... kumusta yung pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Gusto mo pa ng tubig?" She shook her head, "I just want to go home, Chan." I nodded. She stopped calling me bal, pati si Hailey. Hanggang ngayon sinusubukan ko pa rin i-process sa utak ko na nasira talaga ang friendship namin at hindi ko iyon maibabalik until she fully recovered from pain we brought her pati na rin sa pagkamatay ni Kier. "Bukas, okay?" Inayos ko ang buhok nito. "May problema ba? Hindi ka makatulog last night? You should've called me," malumanay na sabi ko. Ayoko siyang talakan like I usually do, hindi iyon ang kailangan niya sa ngayon. We always had to talk yo her softly. "I can't. I- I miss him..." Muli kong hinplos ang kamay niya. "I understand, bal, pero kasi... pag nasobrahan ka sa sleeping pills it can cause a lot of damage to your body. Hindi ba sabi ng doctor mo masama rin na uminom ka ng alcohol then mag-take ka ng sleeping pills? That may lead you to death lalo na pag hindi ka namin nakita kaagad." Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya. Damn! Marahan ko namang pinunasan ang mga iyon. "Gusto mo ba, sa unit ka muna tumuloy? Para kasama mo ako, nakikita kita lagi, tapos may makakausap ka pag hindi ka makatulog?" "I don't want to... gusto ko nasa bahay lang ako." Bumuntong hininga ako at muli kong hinaplos ang kamay niya. "Bal, listen okay?" Pakiramdam ko may nakadagang bato sa dibdib ko. Ganito kami lagi pag nao-ospital siya. Minsan dehydration, minsan bigla na lang nagco-collapse dahil sa stress. Mabilis na rin siyang dapuan ng sakit dahil humihina na ang immune system niya, kulang siya sa nutrients dahil halos hindi na rin siya kumakain. "Okay bal, you'll stay in your house. Uuwi ka bukas pero sa ngayon magpalakas ka muna." Naramdaman kong bumukas ang pinto. Napalingon kaming dalawa ni Zen kay Gabe na suot pa rin ang mask niya. Mukhang hindi niya ineexpect na gising si Zen at akmang aalis siya pero tinawag siya ni Zen. "Gabe," Napahinto ito. It was like he had no choice kaya lumapit na ito sa amin. "Hindi mo ba nakakausap ang mga Sandoval? Wala ka bang balita kay Kier?" she asked him. Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "I'm sorry, pero hindi pa rin nila ako tinatawagan. Don't worry... as soon as tawagan nila ako, sasabihan kita agad." Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Are you mad at me?" Zen asked. Nakita kong bumuntong hininga si Gabe. Kumamot muna siya sa ulo niya bago magsalita. "Honestly, we were just all disappointed. Disappointed that when we tried to reach to you para puntahan si Kier, you chose to ignore us. Pakiramdam namin, pakiramdam ni Ate tinaggal mo na talaga si Kier sa buhay mo. But then, I realized na hindi ko nararamdaman 'yung nararamdam mo. Pinili kong intindihin 'yung galit mo, because what we did to you was a complete s**t. Hindi ako galit sa'yo, alam kong nahirapan kang tanggapin ang katotohanan at nasaktan ka rin ng sobra. Isa pa, wala kaming karapatang magalit sa'yo. Hindi rin kami naging mabuti kay Kier bago siya mawala." Bumuntong hininga si Gabe. "You know what? You should stop crying, kasi si Kier galit na galit 'yun sa sarili niya pag umiiyak ka, pakiramdam niya hindi ka niya kayang protektahan. He wants you happy, do it for him. For Aine... they both protected you, they both chose your happiness." Hindi ko alam kung bakit nag-iinit na rin ang mga mata ko. "Don't worry about us. We are not mad at you. We also just had to leave... we also had to sort things out, we also had to move on. Kinailangan rin naming makita ang mga pagkakamali namin. Kinailangan rin naming tanggapin na nagkamali kami at kailangan naming ituloy ang buhay. Alam ko mas magiging masaya siya kung makikiya niyang nagpatuloy tayo. Remember? He wanted everyone around him to be happy? Let's give it to him." Sana hindi na lang sila lumayo... maybe Zen won't feel so much bad. Baka mas naka-recover siya nang mabilis. But I got his point. Alam kong nagsisi rin sila. Alam kong they also needed space to mourn by themselves. Nakatulog na si Zen and I was glad na mukhang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "Bumili ako ng lunch, kumain ka muna," ani Gabe. "You should not have bothered, may sakit ka hindi ba?" "Okay naman ako, naawa lang ako sa'yo, mukhang isang singa ka na lang." Mapangasar na saad nito. Inirapan ko siya sabay punta sa side niya kung saan naka-lagay ang foods na binili niya. Umikot siya sa kabilang side na parang iniiwasan ako. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "What?" Natatawang Anito. "Ayoko lang mahawa ka sa akin." "Umuwi kana," sabi ko at buklat ang mga foods na binili niya. "Sasamahan na kita, mukhang wala ka pang maayos na tulog. Tingnan mo 'yang eyebags mo hanggang leeg mo na." Hindi ako nakatulog and that's because of you! "I can handle this, just go home and rest." "No. I'll stay—" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil nakarinig kami ng tinig sq pinto. "Heh! Umuwi na lang kayong mag-jowa at kami ng mag-jowa ang bahala dito," ani Hailey na kapapasok lang ng room kasama si Jade. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Excuse me?" Anong mag-jowa ang pinagsasabi niya? "Ay hindi ba? O hindi pa?" Nakangising tanong nito. Inirapan ko siya, nag-high five pa silang dalawa ni Jade. Mga bwisit ng taon! Gigil na gigil talaga akong pag-untogin silang mag-jowa noon pa man! "Ewan ko sayo," saad ko sabay bitbit ng bag ko at hakbang papunta sa pinto. Bago ako lumabas ay muli akong nagsalita. "Take care of Zen. Huwag na huwag kayong gagawa nang kahalayan sa loob ng silid na 'to." Patawarin sila, pero ilang beses ko na talaga silang muntik mahuli ni Jade. Hiyang hiya ang virgin kong mga mata sa kanila. Worst was, they never cared about me. Kahit nasa harap ko ay lubos-lubos ang kaharutan nila. Nakasakay na ako sa elevator at pasara na sana iyon ngunit humarang si Gabe at pumasok sa loob. Tahimik lang kami until he asked a question. "Is she always like that?" Bumuntong hininga ako. "Yeah, lalo na pag hindi siya makatulog, she became alcoholic. Kapag hindi siya nakatulog sa alak, she would take sleeping pills which is so dangerous for her. Na-diagnose na siya with depression, ang sabi ng psychologist she needs psychological help. Pero mahirap..." I said in frustration. "I don't know. I don't know how to help her. Hindi ko alam kung paano mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. I feel like she doesn't need an advice, she needs someone by her side that would listen to her. Nabanggit ko na sa kanya ang therapy and she doesn't want it." Muli akong bumuntong hininga. Humugot rin ito nang malalim na hininga. "I didn't know na ganito na pala kalala ang epekto sa kanya nang pagkawala ni Kier." "You should know na araw-araw kinakain siya ng konsensya niya. Araw-araw she's blaming herself. Araw-araw niyang nire-regret na hindi siya dumating sa ospital, na wala siyang nagawa. I am actually afraid na baka lumala ang malala nang kondisyon niya at baka hindi na lang pag-o-overdose ang gawit niya to get away from her pain." Ilang beses itong napaubo. Nilingon ko ito. "Mahina pala ang immune system mo. Sana ikaw na lang ang gumamit ng payong yesterday." "Hindi no, ngayon lang 'to." Hindi na ako kumibo. Paglabas namin ng ospital he offered me na ihahatid niya ako pero tumanggi ako. "Really, umuwi kana, magta-taxi na lang ako." I said. "Sa office din naman ako didiretso." He said. "Seriously? Gusto mo bang mahawa ang iba sa'yo? Just stay home para sa'yo lang 'yang virus mo." He chuckled, "Fine... heto, kainin mo pag dating mo sa office." Iniabot niya sa akin ag isang plastik. 'Yung pagkain na binili niya kanina. "No. Ikaw na ang mag-uwi niyan. You need it more." I said. "But I bought this for you." Bumuntong hininga ako. Nagtama na naman ang mga mata namin and I felt lost again. Bago pa ako mawala nang tuluyan sa mga mata niya ay kinuha ko na ang plastik na inabot niya. Alam kong nakangiti siya kahit natatakpan ng mask ang bibig niya. "Ubusin mo yan ha." He said sabay taas ng kamay niya para pumara ng taxi. Huminto ang sasakyan sa harap namin. Binuksan ni Gabe ang pinto ng backseat. Hindi agad umalis si Manong driver dahil sumilip pa si Gabe sa bintana ng passenger seat. "Kuya mag-ingat ka d'yan ha, dating wrestler 'yan." Tumawa nang bahagya si Manong. Napairap naman ako. Narinig kong may nag shutter. "Wag mong itatakas 'yan Manong paki ingatan na lang din... jojowain ko pa 'yan." "Walang problema, Sir." Naghigh-five pa sila ni Manong. He managed to wink at me bago umalis sa tabi ng sasakyan. Ugly flirt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD