Hindi ko maramdaman ang sariling katawan. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa kawalan. Hindi ko rin maimulat ang aking mga mata kahit na anong pilit ko. Parang may bagay na pumipigil sa akin na gawin ang mga gusto ko. Someone’s reciting a spell around me. Nasisisiguro ko iyon. Naririnig ko ang pamilyar na boses ngunit hindi ko naman matukoy kung sino ito dahil hindi magtrabaho ng maayos ang utak ko. Pati yata utak ko ay nakalutang. Hindi kilalang mga salita ang binibigkas ng nilalang na iyon at pakiramdam ko ay lalo akong nanghihina. Nasaan ba ako? Bakit hindi ko magawang imulat ang mata ko? Ang natatandaan ko ay mayroong sumugod na mga nilalang na may bahid sa Mourose at napagtagumpayan naman namin iyon. Pagkatapos ko silang pagalingin ay binalot ng makapal na usok ang paligi

