CHAPTER FORTY ELSA “H-ELLO baby,” pumiyok ang boses ni Tonyo habang nakatingin sa anak kong kandong kandong ko. Wala si Jay-ar sa bahay nakipaglaro raw sa kapitbahay kaya naman si Nana at Mary lang ang naabutan ko rito sa bahay. Siguro ay mabuti na iyon para makilala ni Tonyo si Mary ng sila lang dalawa. Imagine ang gulat na gulat na mukha ni Nana noong ipinakilala ko si Tonyo. Nginitian ko lang siya at sinabi kong mag-uusap kaming dalawa kaya naman umalis muna siya. Bali ako, si Tonyo at Mary lang ang nandito sa bahay. “Ang ganda mo naman…” hindi na niya napigilang umiyak habang nakangiti at punong puno ng paghanga ang kanyang mga matang nakatingin kay Mary na nakatingin lang din sa kanyang ama. “Anong pangalan niya?” “Mary Antonette,” sabi ko at nakita ko ang pagkislap ng kan