CHAPTER THIRTY ONE TONYO “SIGURADO KA BA RITO?” Tumigil ako saglit at mariin ko siyang tinignan. Hinihingal ako at pinagpapawisan dahil sa ginagawa namin. Nanginginig din ako at hindi mapakali. Kagat kagat ko pa ang labi ko dahil sa takot at kaba. Pucha. “Oo nga. Sure na sure ako rito. Huwag ka kasing maingay at gumalaw nalang para matapos na to,” hinihingal din siya at halata ang iritasyon sa mukha at boses niya. Pareho kaming balot na balot sa pawis at kapos na kapos ang hininga naming dalawa dahil sa ginagawa namin. Bakit ba nakakapagod ang ganito? Anak ng pating! “Sige na nga. Ito na gagalaw na nga. Bakit ka galit?” at nagsimula akong gumalaw dahil galit na siya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Sana ay hindi malaman ni Elsa to. Kung hindi, masisira lang ang lahat.