CHAPTER THIRTY EIGHT Surrender and Letting Go. ELSA “YAAAAKSS!” Natawa nalang ako. Tumigil ako sa ginagawa ko at nakapameywang na humarap sakanya. “Oh ano na naman?” natatawa ako habang tinatanong ko siya. Ano ba naman itong si Ramon ang daming pakulo sa life. “Hindi ko pala bagay ang magpakalalaki ang boses mars at saka ingat ka sa pananalita mo ah. Ramon? So eww naman and duh, Ramona kase yon bes!” maarteng sabi niya. Inirapan niya pa nga ako. Si Ramon o mas kilala bilang Ramona ay kaibigan ko rito sa Sancho. Kwela siya at mabait. Noong una ko siyang makilala ay nagpanggap pa siyang lalaki pero noong hindi tumalab sa akin ang karisma niya ay saka niya inaming bakla siya at gusto niya lang talaga mang prank. Mahilig kasi yang magpanggap bilang lalake tapos mamaya ay parang na