Kabanata 14: Paghanga

1495 Words
Dean’s PoV BILIB na bilib ako kay Shyra lalo na ngayon habang kausap ko siya. Marami akong mga bagay na natutunan sa kanya. Ang hindi pagsuko sa hamon ng buhay at ang maging matapang upang mabuhay. Mahirap ang naging buhay nito na mag-isa at wala na itong takas sa malungkot na kapalaran na naghihintay para sa kanya. Ang pinagkaiba lamang namin ay nagpursigi ako na makapag-aral upang makaahon sa hirap ng aking buhay. Sinundan ko si Shyra kaninang umaga dahil nagdududa ako sa kanya ngunit nawala ang pagdududa na iyon matapos nitong aminin sa akin ang mga problema nito sa buhay. Parang gusto ko na protektahan si Shyra dahil kailangan nito ng isang kaibigan na katulad ko. “May dumi ba ako sa mukha ko, bossing? Kung makatingin ka sa akin parang gusto mo akong kainin.” Sumeryoso ako ng mukha at saka umiling. Nagugulat na lamang ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Shyra. “Bossing, tumagay ka na. Alam mo, maikli lamang ang buhay kaya dapat na maging masaya. Hindi mo alam baka bukas o sa makalawa deadbol ka na. Mas mabuti na ngayon pa lamang mag-enjoy na tayo sa ating mga buhay,” sabi nito sa akin habang nakapangalumbaba sa harapan ko. Panay ang paghagis nito ng mani sa bunganga. Nakamasid din ito sa paligid na para bang may inoobserbahan. “Huwag kang masiyadong uminom at baka malasing ka,”, paalala ko kay Shyra. Nginitian naman niya ako. Nakaanim na redhorse na ito samantalang iisang bote pa lamang ang naiinom ko. “Hindi pa ako tinatablan, bossing. Alam mo mahirap akong malasing.” Tumingin ito sa aking mga mata. Napansin ko na itim na naman ang mga mata ni Shyra, marahil sa contact lens na suot nito. “Teka nga lang, bossing. Alam ba ni Madam Channel na nandito ka ngayon sa isang restobar? Mahirap sa isang may nobya na katulad mo bossing ang makipag-inuman sa katulad ko. Mabuti pa ako walang aalalahanin at hindi sasakit ang ulo ko.” Muli itong tumagay ng alak at inubos ang laman niyon. Inilagay nito sa may case ang basyo nitong bote bago muling magbukas ng isa pa. Ibinaba ni Shyra ang zipper ng suot nitong hoodie jacket. Inalis nito iyon at saka ito tumayo para itali ang jacket sa bewang nito. Naka-boxer bra na lamang ito ngayon habang nakaupo sa harapan ko. Napalunok na lang ako habang nakatingin dito. Napatingin din ang dalawang lalaki na nag-iinuman sa kanilang tabi ni Shyra. Hindi naman kita ang cleavage nito ngunit lumutang ang kaputian. Lalo na’t nakapusod paitaas ang magulong buhok nito. “Bossing!” pinatunog nito ang mga daliri. “Natulala ka na.” “O-Okay lang bang ganyan ang suot mo habang umiinom ng alak sa isang restobar na katulad nito?” Napalingon pa ako sa dalawang matandang lalaki na nakatitig kay Shyra. “Baka mabastos ka.” Nginisihan lamang ako nito. “Ninenerbiyos ka ba, bossing? Nandiyan ka naman ‘di ba? Maipagtatanggol mo naman siguro ako kapag may nambastos sa akin?” Muli nitong ininom ang alak na binuksan nito. “Shyra…” Muli itong nangalumbaba sa aking harapan. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bossing. May gusto ka ba sa akin?” Napainom ako ng beer dahil sa tanong ni Shyra. Inubos ko ang laman ng bote at inilagay sa case ang basyo ko. Nagbukas din ako ng isa bago tumingin dito. “Wala! Sayang naman kung hindi ako iinom ng beer ngayong ako na nag-abono.” Tinawanan ako ni Shyra. “Kung girlfriend mo ako at nalaman kong may kainuman kang babae. Makikipag-break na kaagad ako sa iyo. Mabuti na lang at hindi ikaw ang boyfriend ko… red flag ka na kaagad para sa akin, bossing.” “Ang problema hindi naman kita girlfriend.” Ginaya ko si Shyra sa paraan ng pagkain nito ng mani. Hinahagisan lamang nito ang nakabukang bibig. “Ang balita ko selosa iyong nobya mo, bossing. Kung lalaki ako at nasa kalagayan kita…” Sinuntok nito ang lamesa. “Hihiwalayan ko na kaagad.” Nginitian niya ako. “Hahawakan ka niya sa leeg kapag mag-asawa na kayo, mahirap iyon.” Napangiti ako sa sinabi nito. “Ayaw mo ba sa nobya ko?” Mabilis itong umiling at saka pinag-ekis ang mga kamay. “Ayaw!” “Gusto mong ikaw ang maging nobya ko?” Inilapit nito ang mukha sa akin. “Mayaman ka ba?” Nag-init ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumingin sa mga mapupulang mga labi ni Shyra. Itinulak ko ang noo niya at saka tinaasan ng kilay. “Gusto mo bang bilhin kita?” Bigla itong tumawa ng malakas. “Baka hindi mo ako kayanin, bossing.” Muli itong tumawa ng malakas, isang malutong na halakhak na nakakahawa. Imbes na mainis ako ay natawa na lang din ako. Malakas talaga ang tama nito sa utak. Naubos namin ni Shyra ang redhorse na order ng kaibigan nito na si Knight kanina. Dalawang libo rin ang idinagdag ko sa bill. Medyo nahihilo na ako sa paglalakad pero si Shyra diretso pa rin ang paglalakad. Mukhang hindi ito tinamaan. “Ako na magdra-drive, bossing.” Inilahad nito ang kamay sa harapan ko. “Akin na ang susi.” “Sigurado ka ba?” nag-aalangan na tanong ko. “Oo naman, bossing. Ikaw lang naman ang nahihilo at tinamaan sa akin… este sa pulang kabayo.” “Ang lakas ng tama mo.” Wala akong nagawa kun’di ibigay dito ang susi ng Fortuner. Habang nasa parking lot kami ni Shyra ay lumapit ang dalawang matandang lalaki na nasa katabi naming upuan kanina sa loob ng restobar. “Miss beautiful, sa amin ka na sumakay. Hindi ka lang namin ihahatid sa bahay mo kun’di dadalhin ka rin namin sa langit.” Inakbayan pa ng mga ito si Shyra. Napaangat ang sulok ng mga labi ko sa aking narinig. Hinila ko ang kamay ng lalaki at saka ko hinatak si Shyra patungo sa tabi ko. Hindi ko binitawan ang kanyang kamay habang nasa likod ko siya. “At sino ka naman?!” singhal sa akin ng isa sa matandang lalaki. Lalapitan na sana niya ako pero sinipa ko siya ng malakas sa may bandang leeg. Natumba ito at nawalan ng malay sa tabi ng aking sasakyan. Mukhang natakot naman ang isang matandang lalaki na kasama nito kaya naman tumakbo na lamang at iniwan kami ni Shyra. Tinawag ko ang security guard ng restobar at isinumbong dito ang nangyari. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Shyra na mahigpit kong hawak. “Ang galing mo naman, bossing. Paturo nga rin ako kung paano magkarate,” bilib na bilib na sabi nito sa akin. Bigla ko siyang niyakap ngunit mabilis niya akong itinulak. “Bossing, nanantsing ka na!” Hinila nito ang kamay nito na hawak ko. “Sorry, nabigla ako. Okay ka lang ba?” Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging worried sa kanya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil sa inasal ko. “Okay lang ako, bossing. Halika na, umuwi na tayo. Ang astig ng side kick mo bossing, ang taas ng sipa mo.” Nagningning ang aking mga mata dahil bilib na bilib ito sa akin. Isinuklay ko ang aking mga palad sa buhok ko. At saka ko hinimas ang aking baba. “Napaka-easy!” pagmamayabang ko kay Shyra. Ang totoo nag-aral ako ng self-defense noong college ako. Gusto ko kasing maipagtanggol ang aking sarili sa kapahamakan kahit nga target shooting ay inaral ko rin. May sarili akong baril at lisensiyado iyon. Mukhang magugulat si Shyra kapag nalaman nito na may baril ako bukod pa sa baril na nasa pagitan ko na kayang magpalaki ng tiyan ng isang babae. Hinayaan ko na si Shyra ang mag-drive ng sasakyan ko hanggang sa makauwi kami ng bahay ko sa Bulacan. “Bossing, salamat,” anito habang nasa may garden na kami. Alas dose na ng gabi nang makauwi kaming dalawa. Ipinasya namin na maupo muna sa may bench na nasa swimming pool. “Walang anuman, Shyra. Huwag mo na lang sanang banggitin ito sa mga katulong. Ayokong malaman nila na nakikipaglapit ka sa akin.” Tinawanan ako ni Shyra. “Bossing, baliktad yata. Sa tingin ko ako dapat ang magsabi niyan sa iyo. Ayokong malaman nila na nakikipaglapit ka sa akin, bossing.” Nginitian ako ni Shyra at saka ito tumayo para tapikin ang balikat ko. “Labanan mo ang nararamdaman mo para sa akin, bossing. Baka mapabilang ka sa mga lalaking binasted ko… ikaw din.” Napailing na lamang ako sa sinabi nito sa akin. “Good mor-night, bossing.” Tinalikuran niya ako at saka ito naglakad patungo sa may laundry area patungo sa may back door na kinaroroon ng mga kuwarto ng maid‘s room. Bumuga ako nang malalim. “Ibang klase talaga si Shyra sa lahat ng mga babae na nakilala ko,” mahinang sambit ko habang nakatingin sa mga bituwin sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD