SAPILITAN siyang isinama ni Dashiel papasok sa elevator. Binundol ng takot ang dibdib ni Violet nang makitang paakyat sila. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito, pero dahil ginalit niya si Dashiel, sigurado siyang isang matinding parusa ang naghihintay sa kaniya. Maya-maya lang ay bumukas na ulit ang pinto ng elevator at isang malaking kwarto ang tumambad sa paningin ng dalaga. Hinila siya ni Dashiel palabas. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod at luminga sa paligid. Tatlo o apat na beses yata ang laki ng kwartong iyon sa kwartong pinagkukulungan sa kaniya ni Dashiel. Sobrang lapad ng kama na akala mo sampung tao ang mahihiga. May maluwang na settee area na kaya yatang magpaupo ng dalawampung bisita at may sarili ring bar. Lalong nabuhay ang curiosity ni Violet. Gusto niyang m