Chapter61 3rd Person Pov ang kasalan ay napuno ng asaran at tawanan sa awa ng diyos natapos ang seremonyas ng kasal at lahat ay naghiyawan ng matapos ang kasal "Padre pasensya na po sa nangyari kanina kung maliligalig ang mga bata" paghingi ng paumanhin ni Mrs Vancouver habang si czeck at tristan ay tatawa tawa lang dahil sa nangyaring kasal ng dalawa "Hindi..okay lang mrs vancouver kahit ako ay naaliw sa kasalan na ito sa lahat ng kasal ito lang yata ang kakaiba" nakangiting komento ng padre habang nakatingin sa mga kabataang nagrarambulan na halos magpagulong gulong sa damuhan habang si alex at ang ibang babae ay tawa lang ng tawa Alex Pov ito na yata ang pinakamemorable na nangyari sa buhay ko natawa ako ng pagkatapos ng kasal ay nagtakbuhan sina selvester at dinamba si travis