Chapter 12

2122 Words

(GIGI) “TULUNGAN ko na po kayo, Ate Rosa,” sabi ko sabay kuha sa tray na paglalagyan ng juice na para sa mga gumagawa sa rest house. Taga-ibaba lang si Ate Rosa at ang bahay ng ginang ang pinakamalapit sa rest house. Nang maghanap si Senyorito Matthew ng taong pwedeng mag-asikaso ng pagkain sa mga gumagawa sa bahay niya, si Ate Rosa ang nakuha niya. “Naku, salamat, Gigi. Sige, ikaw ang bahala sa inumin. Hahanguin ko lang itong pansit,” wika ni Ate Rosa. Naglagay ng pansamantalang kusina sa terasa ng rest house kung saan inihahanda ang mga pagkain para sa mga trabahador. Apat ang gumagawa sa bahay bukod pa sa foreman nila. Habang hinahango ni Ate Rosa ang niluto ay ipinupwesto ko naman ang pitsel ng juice at ang mga baso sa tray. Ilang sandali pa ay magkasunod namin iyong dinala sa s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD