NAPAPITLAG ako nang sikuhin ni Victor. Nagsasalubong ang mga kilay ko nang lingunin ko siya. “May sinasabi ka ba?” “Come on, pare! What’s happening to you? Are you okay?” “Yeah. I’m okay. May… naiisip lang ako…” “No, you’re not, pare. Anong problema? Si Gigi ba?” derechahang tanong ni Victor na nagpaismid sa akin. “Si Gigi? How can you say that?” “E, ano pa bang pwede mong maging problema kung hindi ang tungkol sa inyong mag-asawa?” “Wala kaming problema. Normal naman siguro sa bagong mag-asawa na may pinagtatalunan sila. It happened to you, right?” “Yes. Pero hindi ako ganiyan. You look depressed. Kanina pa tayo magkausap at kanina ka pa rin palutang-lutang. Tell me what happened. Makakatulong sa’yo kapag nagsabi ka.” I was hesitant at first. Pakiramdam ko, mababawasan ako kapag