HINDI na napigilan ni Tita Samantha ang magwala nang posasan na siya ng mga pulis na kasama ni Jude. Nasa kustodiya na rin ng mga ito ang lalakeng nagpanggap na sheriff at nagdala ng summon letter sa bahay ng mga Arevalo. “What’s happening here? Matthew, anong kaguluhan ito?” Dahil siguro sa ingay ay lumabas na rin si Lolo. Hindi ako sumagot. Si Tito Jaime ang nagpaliwanag ng nangyayari. “Papa, please, help me!” umiiyak na pakiusap ni Tita Samantha habang hawak ng dalawang pulis. Hindi naman makasagot si Lolo. “Talk to your grandson, Pa! Ginawa ko lang naman ‘yon para tuluyan na silang maghiwalay ng babaeng ‘yan! Ginawa ko lang ‘yon para matahimik na ang pamilya natin! Pa, please, h’wag kang pumayag na dalhin nila ako! Do something about this, Papa!” Nanatiling walang imik si Lolo.

