“SIYA po ba ang asawa mo, Ate?” Nakaturo si Jaypee sa katabi ko habang itinatanong iyon. Nagkatinginan kami ni Senyorito Matthew. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kapatid ko. “Papasukin mo muna ang mga bisita mo, Gigi.” Narinig kong sabi ni Senyorito Matthew. Hinawakan ko si Jaypee sa kamay at iginiya papasok sa sala. Kasunod namin si Tita Donna na nagtataas na ngayon ng mga kilay sa akin. Isinarado ni Senyorito Matthew ang pinto at lumapit. “Pasensiya na kayo, Attorney! Mukhang nakaistorbo kami ng kapatid ni Gigi.” “Si Gigi na muna ang bahala sa inyo. Sa itaas na muna ako.” Nilingon ako ni Senyorito Matthew. “Call me if you need anything.” Tumango lang ako at pagkatapos ay tinalikuran na niya kami. Pinanood ko pa ang pag-akyat niya sa hagdan. “Maupo muna tayo, anak! Halika