LUMIPAS ang isang linggo na hindi ko gaanong namalayan. Tuloy-tuloy ang paggagawa sa parteng kusina ng resthouse at nakikita ko na halos ang magandang kalalabasan noon. Araw-araw umaalis si Senyorito Matthew para asikasuhin ang sa aming kasal at sa buong isang linggo ay dalawang beses niya akong isinama - para humarap sa civil registrar at sa family planning seminar na nire-require para sa pag-release ng marriage license. Kapag hindi niya ako kailangang isama ay nasa bahay lang ako at tumutulong naman kay Ate Rosa. Sa tuwing gabi, kapag kami na lang dalawa ng abogado ang magkaharap, para na kaming estranghero sa isa’t isa. Nag-uusap kami pero, kapag may sasabihin o itatanong lang siya. Kumakain kami nang sabay. Natutulog nang magkahiwalay. Hindi ko maiwasan minsan na sumama ang loob da