bc

RUTHLESS MAFIA HEIR

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
adventure
billionaire
revenge
dark
forbidden
love-triangle
HE
escape while being pregnant
age gap
fated
opposites attract
second chance
playboy
badboy
confident
mafia
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
mystery
scary
office/work place
enimies to lovers
war
surrender
like
intro-logo
Blurb

ISINILANG siyang may ginto sa labi o anak ng isa sa pinakamayaman sa United Kingdom isa sa mga apo ng namayapang prinsesa ng Sweden. At siya rin ang menopausal baby ng mga Miller. Kaedadaran niya ang mga pamangkin sa nag-iisang kapatid na babae. Dahil malayong mas matanda sa kaniya ang mga pinsan sa kambal na kapatid.

SIYA si Pierce Matteo 'PM' Miller. Giant at Dungeon King ang tawag sa kaniya. Dahil kung MAFIA CONQUERORS ang mga magulang noong kapanahunan, bomb expert ang kapatid ay mas mapanganib siya. Sinakop niya ang kakayahan ng mga ito. Land base, sea base, at kahit panghimpapawid. Ang dungeon na ginawa ng ama ay ginawang underground na siya lamang din ang nakakaalam kung saan patungo. Kaya nga binansagan siyang RUTHLESS MAFIA HEIR.

HANGGANG sa nakilala niya si Isabella Lopez ng Madrid nang dumalaw siya sa mga kamag-anak doon. Sa unang pagkakataon ay umibig siya. Ngunit lahat ay salungat. Dahil mas matanda ito sa kaniya ng sampung taon.

'That's OBSESSION, not LOVE!' sabi nga ng mga nakapaligid sa kaniya.

"I don't f*ckin' care if she is older than me! Just bring her to me and tie up in my bed if it's needed!" mando niya sa mga tauhan.

"Pero, young master---"

Umiibig siya!

Wala siyang pakialam sa maaring sasabihin ng mga nakapaligid sa kaniya. Kaya naman ay hindi niya pinatapos ang maaring nais sabihin ng tauhan.

"Kapag sinabi kong dalhin n'yo siya sa akin ay sundin ninyo! Kahit pa sabihing labag sa kalooban nito!" sigaw niya.

"Boss---"

"Ano ba?! Isa lang ang ibig kong sabihin! Kidnap her! Meaning, bring her to me even if it's against her will!" muli ay aniya sa malakas na boses.

ISABELLA LOPEZ anak mayaman sa bansang Espanya. Loob at labas ng bansa ang negosyo ng kaniyang ama. Subalit hindi siya masaya sa buhay na kaniyang tinatamasa. Lalong-lalo na nang nalaman niya ang katotohanan sa kayamanang mayroon sila.

Hanggang sa namalayan na lamang niyang bihag siya ng mortal na kaaway ng ama. Subalit dahil naniwala siya sa matatamis nitong salita ay huli na ng napagtantong ginamit lang siya nito laban sa ama niya. At higit sa lahat ay dala-dala na niya ang bunga ng karupukan na inakalang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Do the move now!" malakas niyang sigaw kasabay nang pagtaas ng kanang palad. Kasabay nang pagbigay ni Claire sa go signal ay hindi na nagsayang ng oras ang grupo niya. Wala kang ibang marinig sa oras na iyon kundi ang palitan ng putok sa magkabilang partido. Kailangan nilang lumaban dahil mga buhay nila ang nakasalalay. "Jones, sixty meters, seven o'clock position!" "Snipers, tutukan ang patrol car na may sakay na mga nahuli!" Agad namang bumaling doon si Reyes at nagpaputok sa sinabing direksyon. Ilang segundo lang ay may narinig silang dumaing mula roon. Nagpatuloy ang madugong labanan. Subalit naging alerto sila sa bawat command ng team leader nila. "Johnson, two o'clock, thirty meters sa likod mo!" "Bradley, ten o'clock, two hundred meters." "Dacascus, eleven o'clock, five hundred meters." Patuloy lang si Mary Claire sa pagbigay nang commands sa mga tauhan. Hanggang sa namataan niya ang mastermind ng grupo. "The mastermind is on the exit area! He wants to escape! Full alert!" Mga ilan lamang sa mga binitawang salita ni Claire. Kasalukuyan silang nasa operasyon. Thanks to the high technology, dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makita ang bawat galaw ng kanilang kalaban. Ang grupo niya ang inatasan ng kanilang Boss upang huliin ang mga nagpalitan ng ipinagbabawal na gamot sa isang abandonadong lugar. Mayroon naman silang orders na shoot to kill order para sa mga lalaban dahil matagal na ring nasa wanted list ang mga huhuliin nila. Ngunit kahit mga criminal ang mga kawatan, as human beings, ay kailangan din nilang mapabigyan ng pagkakataong sumuko ng maayos. Subalit mas pinili nila ang lumaban kaya't nakipagsabayan na rin ang grupo niya. "Saan ka pupunta sa pagkakaalam mo, Mr Coleman?" "Wala kang pakialam, Smith! Kahit kailan ay ikaw talaga ang tinik sa lalamunan ko!" "Binigyan kita ng pagkakataong sumuko ngunit mas pinili mo ang lumaban! Look around, Mr Coleman. You are alone now! Wala nang tutulong sa iyo!" Mas hinigpitan ni Claire ang paghawak sa kalibre kuwarenta-isingko. Dahil abala ang mga kasamahan niya ay siya ang kusang kumilos at pumaikot. Hinabol niya ang papatalihis na si Mr Coleman. Hindi siya papayag na mauwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran nilang team. "Hindi ikaw ang magpapatumba sa akin, babae ka!" "F*ck! Wala kang kadala-dala! Move!" Dahil hindi niya napaghandaan ang bigla nitong pag-ikot at sinubukan siyang labanan sa mano-mano ay natumba siya. Bumagsak siya sa sahig kaya't dahil sa kabiglaan at sakit sa pagbagsak niya ay napamura siya. Ganoon pa man ay agad siyang nakatayo at muling nabalanse ang sarili. At bago pa man makakilos o makagawa ng anumang hakbang ang mastermind ay napusasan na niya ito. "Nahuli mo man ako ngayon ngunit ito ang tandaan mo, Smith! Hinukay mo ang iyong sariling libingan! Kahit mapabitay mo ako ngunit hindi ibig sabihin ay nagtagumpay ka na. Dahil ang tulad ko ay pain lamang nila. Kaya't kung ako sa iyo ay huwag magpakasigurado. Bukas o sa makalawa ay mabalitaan kong isa ka ng bangkay!" "Subukan mong gawin, wala ka ng pakialam kahit ngayon ay mamatay ako. At kung sino-sino man ang mga nagpain sa iyo ay nais ko ring ipaalam na uubusin ko sila isa-isa. Dahil kayo ang sumisira sa buhay ng mga inosenteng kabataan!" Kulang na lamang ay itulak niya ito papunta sa harapan ng building. Nandoon na rin ang mga tauhan niya. Dahil kasabay nang pagtakas sana ng mastermind ng grupong nakalaban nila ay unti-unti na ring tumigil ang palitan ng putok. Sa isipan niya ay kailangan nila itong isalang sa interrogation room. Dahil sigurado siyang mayroon itong nalalaman. Lalo at may nasabi pa ito. Ilang sandali pa matapos nilang malinis ang naturang lugar ay payapa na silang bumalik sa headquarters. "Congratulations, Agent Smith. You did it very well." Masayang sumalubong sa kanila ang superior na pumapalakpak. "Thank you, Sir. Pero hindi po ako nagtagumpay sa operasyon na ito kung wala ang mga kasamahan ko." "Oh, you are so humble, Agent Smith. By the way, there will be a congratulatory party for you and your team. Be ready for the surprises that they prepared for you. According to our Big Boss, he will be coming here to join us. Again, congratulations on your success." Iminuwestra nito ang palad upang makipagkamay. At tanda na rin nang pagbati. Kaya't malugod din itong tinanggap ni Claire. Kinabukasan nga ay dumating ang kanilang Big Boss. Hindi lamang iyon, dahil hindi naman niya isinapuso ang nabanggit ng Boss niya about surprise ay halos hindi siya makagalaw nang inianunsiyo nila ang surpresang naghihintay sa kaniya. "Congratulations, Agent Smith. I am here today to proclaimed your promotion. From your position, you are now promoted as Supervisory Special Agent. You will be responsible of leading teams of special agents in investigations. And it will requires you to report directly to managing and executive special agents. You are now essentially a senior agents, that may do field, administrative, and analytical work while leading an investigation. You will typically try to track the progress of an investigation. In most cases, this will involve strategizing and documenting the tactics and processes of an investigation. And as the law of protocol, you need to follow everything about your duty as Supervisory Special Agent. Once again, congratulations, Miss Mary Claire Mckevin Smith." Sa hinaba-haba nang pahayag ng kanilang Big Boss ay iisa lamang ang tumatak sa isipan niya. Promoted siya. Mula sa pagiging Special Agent ay naging Supervisory Special Agent na siya. Sa ilang taon niya sa FBI ay pang ilang promotion na rin niya iyon. Kaso bago pa niya masalungat ang Big Boss nila dahil sa pagbanggit nito sa buo niyang pangalan ay taos-puso na siyang nagpasalamat. "Thank you very, Sir." Malugod niyang tinanggap ang kaniyang parangal. "Your welcome, Miss Smith. Keep up the good work. You and your team will serve our country impartially." Tumango-tango pa ang Big Boss. Kaya naman ay hinarap ni Claire ang mga kasamahan niya. Itinaas ang parangal na natanggap. "Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat. Dahil ang operasyon na iyon ay hindi ko magagawa na mag-isa. Kaya't maraming-maraming salamat sa inyo. Bilang leader ninyo, ay proud na proud ako sa ating unity. Our unity leads us to succeed. Congratulations to all of us." Masaya niyang itinaas ang hawak-hawak na promotion's certificate. Muling nag-ingay ang mga nasa lugar na iyon dahil sa binitawan niyang salita. Masaya siya para sa tagumpay niya ngunit mas masaya siya dahil suportado siya ng kaniyang grupo. At higit sa lahat ay may pagkakaisa sila kaya't hindi mahirap ang magtagumpay sa anumang kaso at operasyon na kanilang hahawakan. Few days later... Nasa daan siya pauwi sa tahanan ng mga ninuno niya kung saan siya nakatira nang nakaramdam siya ng kakaiba. "No, I must be over acting---" Ngunit ang pananalita niyang mag-isa ay ay hindi na rin niya nagawa. Dahil pagliko pa lamang niya sa kanto ay mayroon ng sasakyan na animo'y ibon sa bilis nang pagmamaneho. Huli na rin upang umiwas siya. Ang huli niyang natandaan ay bumangga ang sasakyan niya sa isa pang sasakyan na humarang sa pagliko sana niya. ..... "WHO IS THAT GUY?" Claire asked her partner while taking a rest. "Ang tanong ko naman ay kung sino sa kanila ang tinatanong mo, partner. Kasi naman marami sila." Kibit-balikat nito. Tuloy! Ang kilay niyang kasing lago ng mga bermuda grass sa harapan ng kanilang bahay sa America ay nagsalubong. Hindi lang iyon, ang noo niya ay nagkaroon ng mga linya. Kaso ang partner niya ay trip siyang asarin. "Partner, ang makinis mong mukha ay nagkalinya na naman. Kahit ang iyong kilay na mas maitim pa sa gabi ay salubong na naman. Mamaya ay mahalata na tayo ng mga kapwa nating trainees dito," nakangisi pa nitong tugon. Well, kapag nagkataon lamang na wala sila sa ilang buwang training sa Navy Seal ay baka napalipad na niya ito. Kaso dahil limitado rin ang panahong ilalagi nila sa nasabing lugar ay inismiran na lamang niya ito. "That guy who always wears a black. Is he a mourner? It's been a while since we joined this training but I never see him in other colours," aniya. "Kung hindi ako nagkakamali ay taga-London siya. Ayon sa aking narinig ay talagang hindi mahilig makisalamuha ang taong iyan. Ngunit sabi rin ng iba ay talagang masungit daw. Kumbaga ay nabibili ang bawat salitang lumalabas sa labi. Kung hindi raw ito kinakausap ay hindi na nagsasalita. Pero sa tanong mo kung sino siya ay wala akong maisagot dahil hindi ko naitanong sa kapwa nating trainees," paliwanag nito. 'Not bad!' she said in her mind! "Well, makikita rin natin kung gaano ito katahimik. Pero sa ngayon ay sikapin nating makalapit sa kaniya. Ilang linggo na lang ang nalalabi sa training natin. After that, according to our trainors, there will be a deployment everyone of us. I'm just hoping that you and I will still remains as partners," pahayag na lamang niya. "I'm hoping for that too, partner. It's a little bit embarrassing to say but having a friend like you is great. By the way, let's go back to our training ground. Alam mo namang ayaw na ayaw ng ating next trainor ang nahuhuli." Tumayo na nga ito saka inilahad ang palad upang tulungan siya sa pagtayo. Hindi man siya sumagot subalit nakangiti naman niyang tinanggap ang palad nitong nakalahad. SA kabilang banda, laking pasasalamat ni Martin Luther dahil pumayag ang boss niya sa military department sa London na sasabak siya sa navy seal training. Dahil na rin sa laganap na krimen ngunit wala namang nasasagot bagkus ay mas dumarami ang mga kapwa alagad ng batas na nagbibigay ng dumi sa kanilang departamento. Ngunit upang makapasok siya bilang trainee sa naturang departamento ay kailangan niyang maging strikto, ruthless man ay possessive. Hindi naman iyon mahirap para sa kaniya dahil talaga namang iyon ang ugali mayroon siya maliban na lamang sa ruthless. And most of all, he didn't used his full name in order to hide his real identity. "Fantasising her, Mr Luther?" dinig niyang saad ng isang trainee. "Huh! Who?" taas-kilay niyang tanong. 'Damn these madman! Why he keeps in touch with me?!' He silently cursed him. "Bro, we have been here for few months. And that woman will be done here on her training as a navy seal two or three months later. But you and I still has a long journey ahead. And within those months that we are working together, observed you. I can say that only that American woman caught your attention here despite the fact that there are few of pretty ladies here," he said Tama naman ito. Ang babaeng lihim niyang pinag-aaralan ang tanging nakakuha sa atensiyon niya. Ngunit ang lalaking nasa kaniyang tabi ay malapit na niyang mapatulan. Dahil bukod sa lapit ito nang lapit sa kaniya ay masyado pa itong pakialamero. Ganoon pa man, kahit naiinis na siya ay mas minabuti niyang idinaan sa magandang usapan. "You are correct on that, bro. But sad to say that I don't have intention to seek an attention to any ladies here and more importantly, I am here because of my training and I want to be done here too. By the way, thanks for keeping in touch with me," aniya. 'I want you to be out of my sight, man! You are pestering my concentration. Don't make me into a real ruthless man!' Lihim tuloy siyang napangitngit. Kung kailan siya naka-concentrate ay saka naman may lumapit sa kaniya at feeling close na close! "Oh, man! Of course I will keep you as my companion here---" Ngunit ang pananalita nito ay pinutol nang pagtunog ng kampana sa loob ng training ground. Kaya't imbes na magpatuloy sila sa kanilang konbersasyon ay dali-dali nilang inayos ang sarili saka nagtungo kung saan gaganapin ang pagsasanay nila sa kasalukuyan. AS the time goes by! "What are you doing here?!" Mahina man ngunit maaring mamatay ang lamok dahil sa diin nang pagkasabi. "Supposedly, I will be the one who will ask you that question?! Who are you by the way? Why did you messed up?!" galit at pabulong ding tanong ni Claire sa lalaking basta na lamang humablot sa kaniya. Pagkakataon na sana niyang malapitan ang taong matagal na niyang tinutugis. Dahil bago pa man siya sumailalim sa masusing pagsasanay sa navy seal ay bali-balita na ang mga mafias. Underground works and land crimes. Kaso mukhang mabulilyaso pa yata siya sa lakad niyang iyon dahil sa lalaking basta na lamang humablot sa kaniya palayo sa daan papasok sa MAHAL PALACE kung saan gaganapin ang meeting. "No need for you to know who I am, Miss. Just go away from this place before anyone else can see you," muli nitong wika. "Never! No one can dictate me what I am suppose to do. If there's someone who ahould stay away in this place, it's you not me! Now take off your damn hands from minde before I'll let you fly without wings!" gigil niyang tugon. Ngunit sa tinuran niyang iyon ay mas bumangis ang hitsura nito. Subalit wala siyang pakialam kahit ano pa ang maging reaksyon nito. Dahil sa katunayan ay gustong-gusto niya itong pagsisipain. Bukod sa masyadong pakialamero ay gusto pa siya nitong utusang lumayo sa lugar na iyon. SAMANTALANG todo pigil si Martin sa sariling emosyon. Galit at nerbiyos ang kasalukuyan niyang nadarama sa oras na iyon. Ang babaeng wala na yatang takot sa katawan ang tinulungan ngunit ito pa ang may ganang magalit. Wala naman sanang problema kung alam nitong ang pinasukang lugar at papasuking meeting ay pawang mga mafias ang kasali. Kaya nga niya ito nilapitan at nais palayuin sa lugar kaso mas matapang pa ito sa kaniya. Ganoon pa man ay pinigil niya ang sariling huwag itong patulan. "Miss, for the last time, I will ask you to leave from this dangerous place. You entered on your gate of death. Giving you a tip by telling that you are in lions deen is the end of my merciful act. Again, get out from here if you want to make it through." He pleaded. "Huwag mo akong diktahan sa nais kong gawin! Kung mamatay man ako sa labang ito ay wala ka na roon. Kaya't bitawan mo ako dahil nakakaabala ka na!" Pabagsak nitong binawi ang braso saka may pagmamadaling bumalik sa lugar kung saan niya ito hinablot. Kaso ang kinatatakutan niyang mangyari ay nangyari na! "Intruder! Alert everyone in this place that there's someone who slipped in!" dinig niyang sigaw nang nakakita. Kaya't kahit siya ay naging intruder na rin sa imahe ng mga ito. Nandoon siya sa lugar na iyon dahil sa gaganaping meeting. Dahil siya ang nagpatawag para sa pagtitipong iyon. Kaso mukhang malabo nang makadalo siya o mas tamang sabihing sigurado siyang cancelled na dahil hindi na siya makadalo. "That fearless woman is indeed hard-headed! Damnit!" Muling napakuyom ang palad niya dahil talagang sumugod ito. Kaya naman ay wala siyang sinayang na oras. Bago pa man nila ito makita ay muli niya itong hinablot saka ikinubli at tinakpan ang bibig. "Shut up, woman! I already warned you but you didn't listen to me! If you continue in fighting with me, I'll call all the men who are chasing you and they take you as well!" aniya sa boses na halos hindi na marinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
112.3K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
112.5K
bc

Angkol Douglas (SSPG)

read
32.5K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
115.6K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
47.9K
bc

Ninong kong Milyonaryo [SSPG]

read
82.9K
bc

Substitute bride for the billionaire (SPG)

read
128.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook