"Where are you going, son?" tanong ni Liam sa panganay na anak at isa sa kambal niya na si Liam Asher nang makitang nagmamadali itong lumabas ng bahay. May sariling bahay na ito. Pero pinauwi muna nila roon para maalagaan dahil ilang araw ng may sakit. "Pupunta po ako sa bahay ni Nicolas, Papa. Nasa gitna sila ngayon ng giyera. They need my help." Halos manlaki ang mga mata niya. "What—" "Hubby! Hubby!" Mayamaya ay hinihingal na dumating ang asawa niyang si Tere kaya naputol ang pagsasalita niya. "Buksan mo ang TV, Dali! Dios ko! Nakakatakot ang nangyayari ngayon sa pamilya ni Pareng Nicolo. Naiiyak na nga ako sa pagkaawa." Kaagad namang kinuha ni Liam ang remote control at binuksan ang television. At tamang-tama naman na flash report ang ipinapalabas. Dumoble ang panlalaki ng mga ma

