By the way, Kuya... Gaano katotoo ang sinabi ni Reese na kaya mo raw pinahanap ang mag-ina mo para may maipapakilala ka ng asawa kay Lola Ichika? Feeling ni Kan ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang narinig niyang iyon buhat kay Jeanica Anne. Ramdam niyang nag-iinit na ang kaniyang buong mukha at parang gusto niyang sumigaw sa mga oras na iyon. She can feel her hands trembling. Maging ang kaniyang mga tuhod ay nararamdaman niyang nanginginig na rin. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang paikutin ni Nicolas. Damn! Gusto niyang itulak ang pinto at magwala sa harapan ni Nicolas. Kesehodang kasama nito ang pamilya. Wala siyang pakialam! Ngunit bandang huli ay mas pinili ni Kan ang magpakahinahon. Alang-alang sa kaniyang anak. Ayaw niyang ma

