"Mahirap bang maging isang CEO ng malaking company?" tanong ni Kan kay Nicolas habang hinihintay nila na dumating ang in-order nilang pizza sa loob ng isang parlor na nasa mall. Kumain muna sila bago maglibot-libot. "Masarap na mahirap," anang asawa niya. "Masarap kapag passion mo talaga. Mahirap lang dahil sa dami ng obligasyon na nakapatong sa balikat mo." "So passion mo talaga ang business?" interesadong tanong uli niya. Gusto niya itong makilala pa para sa ginagawa nilang pagpapanggap. Iyon nga lang ba ang rason, Kan? kontra naman ng isip niya. "Yes," Nicolas answered with a smile in his face. "Bata pa lang ako ay gusto ko nang maging CEO like Lolo and Lola. Although gusto ko rin maging pulis like Papa. Pero habang lumalaki ako, mas nagiging interesado ako sa business. Nagmana raw