"s**t!" Malakas na napamura si Dean nang makita niyang may tama si Pareng Bernard. Gusto sana niyang habulin ang kaibigan para kumustahin ang kalagayan nito. Pero mabilis na itong naisakay ni Ton-Ton at nailayo sa gitna ng labanan. Tinanguan lang siya ng anak niya at pagkatapos ay saka na nito pinaharurot palayo ang sasakyan. Dadalhin daw nito sa ospital ang ama. Tiwala naman siya na hindi pababayaan ni Ton-Ton si Pareng Bernard. Dahil kahit siya ang nakagisnan nitong ama at palaging nakakasama, alam naman nilang lahat kung gaano nito kamahal ang totoong ama. Mabuti rin na pumunta roon si Ton-Ton at ito ang nagdala kay Pareng Bernard sa ospital. Dahil kung iba ay hindi ito papayag... Hindi ito aalis hangga't hindi natatapos ang laban at nasisiguro na ligtas ang lahat. "Heart, what happ

