Sa bayan nga ng San Miguel sila nagtungo. Pumasok sila sa isang malawak na bakuran na may malaking bahay. "Kanino naman bahay ito?" Mataray niyang tanong kay Gideon. Wala siyang nagawa at nadala pa rin siya ni Gideon sa San Miguel kahit ayaw niya. Alam daw ito ng lolo niya, kaya mas lalo siyang walang magagawa kundi sumunod na lang. Hindi niya alam kung ano ba ang laro ng dalawa. Alam niyang noon pa man ay boto na masyado ang lolo niya kay Gideon. Pero alam naman ng lolo niya na naghiwalay sila nang dahil lang sa walangkwentang video na iyon. Pero ngayon nakapanig pa rin ang lolo niya kay Gideon. Naisip niya baka dahil na rin sa isa itong Saavedra. Mas lalakas ang pamilya nila pag nadikit sila sa isang Saavedra. Huwag naman sanang dahil sa pera at kapangyarian kaya siya nais malapit ng l