"Nick!" Bulalas na tawag niya. Sa sobrang excited pa niya nagawa niyang makababa sa sinasakyan nilang kabayo ni Gideon. "Olivia, be careful," narinig niyang paalala sa kanya ng asawa, pero nagtuloy pa rin siya sa paglapit kay Nick na nakangiti sa kanya. "Oh gosh, Nick!" Bulalas niya at niyakap ito ng mahigpit. Walang pakialam kahit basa ang damit dahil sa pagligo nila ni Gideon sa ilog. Kababata niya si Nick iyon nga lang pagka graduate nila ng elementary umalis si Nick pati na buong pamilya nito sa San Rafael. Sa pagkakaalam niya nagtungo sa Switzerland ang buong pamilya ni Nick, kaya nawalan na sila ng communications ni Nick. Maraming taon man ang lumipas hindi pa rin niya makalimutan ang kaibigan. "Olivia," Nick called her name at gumanti ito sa kanya ng yakap, alintana ang basang k

