Pinatawag niya ang lahat ng kasambahay para tanungin kung nasaan si Olivia. Pati ang guard naka duty sa gate pinatawag niya. "Nasaan ang Ma'am Olivia niyo?" Pigil galit niyang tanong sa mga ito. Umalis lang siya saglit dahil kailangan, pagdating niya ganito na. Nawawal si Olivia. "Hindi po namin alam Sir Gideon," halos sabay-sabay na sabi ng mga ito sa kanya. "Paanong hindi niyo alam? Iniwan ko siya dito sa bahay. Para saan pa at narito kayo at may guard pa, tapos wala man lang nakakita sa inyo kay Olivia!" Galit niyang sita sa mga ito. Wala ni isang kumibo sa mga ito, nagyuko ang mga ito ng ulo. Wala ni isang makuhang tumingin sa kanya. "Bwisit!" Hiyaw njya nang walang makuha sagot sa mga ito. Wala marahil nakapansin sa pagtakas ni Olivia. "Sige na bumalik na kayo sa mga trabaho niy