Wala siyang pakialam kung nasaktan man niya ang damdamin ng asawa. Bahala na rin ito kung iniisip nitong pera lang ang habol niya sa pagpapakasal rito. Basta nasabi niya ang gusto niya para saktan ito. Alam naman niya sa sarili niya na sinasadya niya lang saktan ang asawa. Nasaktan rin naman siya nito. Napahiya siya nito ng husto sa pambibitin nito sa kanya. Kaya naman hinayaan na lang siya ng asawa na mag stay sa kabilang silid at hindi sa master bedroom nila. Ayaw rin muna niyang makasama ang asawa sa iisang silid, baka kasi kung ano na naman ang gawin nila at pagkatapos bibitinin na naman siya nito. Siya pa naman napakadaling sumusunod ng kanyang katawan sa halik at haplos lang ng kanyang asawa. Maghapon siyang nagkulong sa silid, ilang beses siyang tinatawag ng asawa para kumain, nag

