"Here, uminom ka muna ng tubig," iniabot sa kanya ni Gideon ang red cup na may lamang tubig. Nang makita niya si Erika agad sumama ang pakiramdam njya at binalot siya ng takot. Nais niyang tumakbo palayo at magtago na lang. Sa dami kasi ng mga taong naroon ay baka biglang ipakita ni Erika ang video niyang iyon. Hindi siya makapaniwala na hanggang San Sebastian ay umabot ang babaing peke. "Are you ok?" Bakit bigla kang nahilo?" Gideon asked. Sinabi na lang niyang nahilo siya kesa aminin na nanginginig siya sa takot dahil nariyan sa malapit si Erika. Kitang-kita niyang gulat na gulat rin si Erika nang makita siya, mukhang hindi rin nito alam na naroon siya. Kung sa bagay pamilya lang naman niya ang nakakaalam na nasa San Sebastian lang siya, sinabi kasi ng mga magulang niya na nasa ibang