Gideon-8

1174 Words
Pagdating sa bahay ng grandparents niya, agad pinapasok ng guard ang sasakyan ni Gideon. Mukhang nakapagtimbre na ang Lola niya. Hininto ni Gideon ang kotse sa tapat ng pintuan ng malaking bahay. Nauna itong bumaba. Hinintay niya itong buksan ang pinto sa passenger seat para sa kanya. Sanay kasi siya na may nagbubukas at umaalalay sa kanya pagbaba ng sasakyan. “Salamat,” pasasalamat niya nang makababa na siya. “Nariyan na pala kayo,” rinig niyang sabi ng Lola niya na nasa pintuan at sasalubong sa kanila. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Pero sasabay na lang muna siya. Mamaya na niya aalamin kay Lola kung bakit. Magalang na binati ni Gideon ang Lola niya. Nakangiti pa ito. Malayo sa lagi nitong malamig at walang ekspresyong mukha. “Halina kayo sa loob. Naghanda ako ng meryenda para sa inyo,” masiglang anyaya ng Lola niya. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Sa komedor sila tumuloy. Nakahain na ang meryendang inihanda ng Lola niya. “Wow, paborito ko ‘to,” sabi ni Gideon nang makita ang cheese roll at mainit na tsokolate na gawa pa ng Lola niya. “Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo ‘yan, hijo,” nakangiting sabi ng Lola niya. Magkatapat silang naupo ni Gideon. Hindi na siya nagulat nang magpaalam ang Lola niya at iwan sila. Bumuntong-hininga siya at napasulyap kay Gideon na sariwa sa pagkain. Halatang enjoy na enjoy ito sa cheese roll na sinasawsaw pa sa tsokolate. “Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong nito sa kanya. “Mamaya na,” maikli niyang sagot. “Alam mo ba ‘tong cheese roll na ‘to? Paborito ‘to ng Lola ko,” sabi pa ni Gideon sabay sulyap sa kanya. Hindi siya kumibo. Sumabay na lang siya sa pagkain. Magana kasi itong kumain kaya napasabay na rin siya. Halos matapos na sila nang hindi pa rin bumabalik ang Lola niya. Tama nga ang hinala niya. Sinasadya silang iwan para makapag-usap. Iyon nga lang, wala naman silang dapat pag-usapan. Hindi siya interesado kay Gideon. Wala rin siyang balak makipagkaibigan kahit kanino. “Matagal ka na bang naka-stay dito, Olivia?” tanong ni Gideon matapos kumain. “3 days,” sagot niya. “I see. Kaya pala hindi pa kita nakita before. Dito lang kita nakita sa Colegio de San Sebastian,” sabi nito. Tumango lang siya. Ayaw niyang humaba ang usapan. Baka bigla nitong itanong kung bakit siya lumipat ng San Sebastian. Wala siyang planong sabihin sa kahit sino maliban sa pamilya niya ang tungkol sa eskandalo. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya. Ngumiti ito sa kanya. Wala siyang maipintas kay Gideon. Gwapo talaga. Mas gwapo pa kapag nakangiti. “Masyado ka namang nagmamadaling paalisin ako, Olivia,” sabi nito. “Pwede ba, Gideon? Via na lang itawag mo sa akin. Kinikilabutan ako sa pagtawag mo ng Olivia,” sita niya. Hindi siya sanay na tinatawag sa buong pangalan. “Olivia is better,” sabi nito sabay kindat. “Stop it!” saway niya. “I am not who you think I am. Hindi tayo close. Wala akong balak makipagkaibigan sa’yo o kahit kanino. Nandito ako sa San Sebastian para makapagtapos ng high school. Tapos babalik din ako ng San Rafael,” mataray niyang sabi. “4th year ka na. Bakit ngayon mo pa naisipang lumipat ng school?” tanong ni Gideon. ‘Yon ang tanong na iniiwasan niya. Kaya mabilis siyang tumayo. “Makakaalis ka na, Gideon,” sabi niya. “Okay, fine,” sabi nito at tumayo rin. Nagtaas pa ng kamay. “Sasabihin ko na lang sa Lolo mo na mula ngayon, ako na ang maghahatid-sundo sa maganda niyang apo,” ngisi nito. “Don’t you dare do that, Gideon!” asik niya at napahakbang palapit dito sa inis. Nagulat siya nang bigla siyang salubungin nito. Halos madulas pa siya kung hindi nito nahawakan ang bewang niya at kinabig siya palapit. “Gideon,” halos hindi siya makahinga. Kahibla na lang ang layo ng mga labi nila. Nakayuko ito sa kanya. Nakatingala naman siya. Nagtama ang mga mata nila. Kumakabog ang dibdib niya. Sigaw ng isip niya: _Itulak mo ‘to._ Pero ang katawan niya, parang ayaw kumilos. “Olivia,” tawag nito. “You’re beautiful, Olivia,” bulong nito na sakto lang umabot sa pandinig niya. Napalunok siya. Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya. “Your lips, Olivia… can I kiss you?” tanong nito. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makakurap. Para bang tumigil ang oras. Parang sila lang dalawa ang tao sa mundo. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Gusto ba talaga siyang halikan ni Gideon? “I want to kiss your lips, Olivia,” sabi nito habang hinahaplos ang pisngi niya. Para siyang nasa marathon sa bilis ng t***k ng puso niya. Sana hindi marinig ni Gideon ‘yon. Gusto niyang sabihing _hindi_. Gusto niyang itulak ito. Dapat sampalin niya ito sa pambabastos. Pero hindi niya magawa. Unti-unting lumalapit ang labi nito sa labi niya. Hindi siya makakilos. Parang hinihintay na lang niya ang pagdampi ng labi nito. Nakapikit na siya. “Via! Gideon!” Nagmulat siya ng mga mata at malakas na itinulak si Gideon. Buti na lang narinig niya ang boses ng Lola niya. Kung hindi, baka tuluyan na siyang nahalikan nito. At ‘yon ang magiging first kiss niya. Sa edad na seventeen, wala pa siyang boyfriend. Wala pang nakahalik sa kanya. Dapat pag-aaral muna ang atupagin niya. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Gideon. Hinaplos pa nito ang labi na parang hinayang na hinayang. Well, siya rin. Pero wala siyang magagawa. “Tapos na ba kayong kumain?” tanong ng Lola niya pagpasok sa komedor. Buti na lang dumating ito. Kung hindi, baka himatayin ito pag nakita silang naghahalikan. “Yes po, Lola. At uuwi na daw po si Gideon,” mabilis niyang sabi para hindi na makatanggi pa ito. Pinandilatan siya ni Gideon. Mukhang wala pa itong balak umalis. “Uuwi ka na ba, hijo? Sandali lang at ipapahanda ko ang cheese roll para sa Mama mo at Lola mo,” sabi ng Lola niya. Tinawag nito ang kasambahay para ipabalot ang dala ni Gideon. “Damn you, Gideon!” asik niya nang nasa kusina na ang Lola niya. “Don’t you dare do that again!” galit niyang sabi at hinampas pa ito. “Why? Dahil for sure, bibigay ka na,” ngisi nito. “Damn you! Subukan mo pang gawin ‘yon. Makakatikim ka sa akin!” banta niya. Tinawanan lang siya nito. Yung asar na tawa. At aaminin niya, nadala siya kanina. Muntik na siyang bumigay. Kung hindi dumating si Lola, baka tuluyan na siyang nahalikan ni Gideon. Ayaw na niyang isipin ‘yon. “Come on, Olivia. I know you want it too. Hayaan mo lang. Magpakatotoo ka,” sabi ni Gideon. Lalo siyang nagalit. Inigkas niya ang kamay para sampalin ito. Pero nahuli nito ang braso niya bago pa dumapo sa pisngi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD