Makalipas ang ilang araw na pag stay nila ni Gideon sa San Miguel, bumalik na rin sila sa San Sebastian. Inihatid pa siya mismo ni Gideon sa bahay ng grandparents niya. Welcome na welcome pa rin ito sa lolo at lola niya, bagay na kinaiinis niya, lalo na sa lolo niya. Alam na niya ang plano ng lolo niya at ni Gideon, nais ng lolo niya na ipagkasundo siya kay Gideon pag upo nito bilang C.E.O. Power lang ang kailangan ng lolo niya kay Gideon. "Nagpahanda pa po yata kayo?" Tanong niya nang magyaya sa komedor ang lola niya. 'Oo naman, apo, limang taon ka sa Paris, tiyak na namiss mo ang lutong pinoy," nakangiting tugon ng lola niya. "Salamat po lola," pasalamat niya. Magiliw pa rin ang pakikitungo niya sa lola niya, baka kasi wala naman itong kinalaman sa plano ng lolo niya at ni Gideon, ba