Lunes balik eskwelaan na siya. Walang Gideon na sumundo sa kanya sa bahay. Hindi na rin naman siya umasa, alam na niyang wala na at tanggap na niya, hanggang doon na lang ang lahat sa kanila ni Gideon. Tapos na nga sila. "Salamat po," pasalamat niya sa driver nang pagbuksan siya ng pintuan sa likod ng kotse. "Ingat po Ma'am, Via," sabi pa nito sa kanya. Tumango naman siya rito at ngumiti, saka na siya lumakad papasok sa loob ng campus nang mapansin ang pamilyar na sasakyang papasok ng gate. Tumabi siya at tinignan ang sasakya. Bukas ang bintana ng driver seat kaya nakita niya kung sino ang nagmamaneho. Si Gideon, napalunok siya nang mapatingin sa rito. Ni hindi naman siya sinulyapan ni Gideon, deretso lang ang tingin nito na para bang hindi man siya napansin nito. Baka nga hindi siya nap