"Kinakabahan po ako lola," amin niya sa lola niya nang makababa na siya sa sala at doon na lang hihintayin si Gideon. Ngayon na ang araw na ipakikilala siya ni Gideon sa buong Saavedra. She can't imagine sa halos isang linggo palang relasyon nila ni Gideon ay ipakikilala na agad siya nito sa buong pamilya nito. Kung sa bagay wala naman sa tagal ng relasyon iyan, as long as totoo ang damdamin niyo sa isat-isa. "Huwag kang kabahan, just be youself, Via," tugon ng lola niya habang inaayos ang buhok niyang kinulutan pa niya sa dulo kanina. Pinaghandaan niya ang araw na ito, bumili pa siya ng bagong dress para may masuot siya, alam kasi niyang hindi basta-basta lang ang mga Saavedra, kahit papano ayaw niyang may mapuna ang mga ito sa kanya. "Oo nga naman Via, ang ganda, ganda mo kakabahan ka.