Chapter 03
3rd Person's POV
Habang nasa biyahe. Nakita ni Victor na patuloy sa pag-ilaw ang phone niya na nasa dashboard. Agad niya iyon kinuha at ini-off.
Tiningnan ni Victor sandali si Phineas na hindi inaalis ang pagkakatingin sa bintana. Tumingin muli si Victor sa kalsada.
"A-ayos lang ba na umalis tayo sa condo? Ma-malapit iyon sa work mo. Mukhang ma-malayo ang villa na gusto mo puntahan na-natin," ani ni Phineas bago lumingon kay Victor.
"Huwag mo ng alalahanin ang work ko. Kaya kong magpabalik-balik at bumayahe. Mas mahalaga na makita mo ang bago nating bahay," ani ni Victor. Matagal niya ng hinanda ang villa na iyon ngunit hindi siya nagkaroon na pagkakataon na ipakita iyon kay Phineas dahil sa insidente na iyon.
Hinawakan ni Victor ng mahigpit ang manubela. Matagal ng tapos ang villa pero dahil sa trabaho niya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para ipakita iyon kay Phineas.
Sobrang sisi na sisi siya dahil doon ni hindi niya magawang pasukin ang bahay na iyon matapos mawala ni Phineas.
—
Hindi alam ni Phineas ang ire-react matapos sila pumasok sa villa na sinasabi ni Victor na bago nilang tirahan. Napakaaliwalas ng paligid— may sofa at kumpleto sa mga kagamitan.
Tiningnan ni Victor si Phineas na lumapit sa estante na nasa living room. Nandoon ang mga litrato nila 'nong wedding ceremony.
Binaba ni Victor ang mga gamit nila sa sofa. Napatigil si Phineas matapos may mga maid ang lumapit at yumuko.
"Phineas, sila ang mga taong hinire ko para makasama mo dito sa bahay kapag wala ako. Gagawin nila lahat ng gawaing bahay dito," ani ni Victor. Masyadong malaki ang bahay— hindi niya pwede iyon iaasa sa asawa.
Tumingin si Victor kay Phineas. Hindi ito nag-react siguro ayos lang iyon para kay Phineas. Niyaya ni Victor si Phineas pataas ng hagdan para ipakita ang bagong room nila.
Namangha si Phineas matapos makita ang laki ng silid. Mula din sa kinatatayuan nila nakikita ni Phineas ang maraming mga puno.
May veranda din doon— lamesa at upuan.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Victor. Tumango-tango si Phineas habang nakadikit ang mga palad ni Phineas sa glasswall at nakatingin sa ibaba.
"Halika Phineas— may ipapakita pa ako sa iyong isang room," ani ni Victor. Lumingon si Phineas at parang batang lumapit kay Victor.
Ngumiti si Victor at inaya si Phineas sa kanang bahagi ng kwarto. Nakita ni Phineas sa bahaging iyon ang napakalaking portrait ng wedding nila ni Victor.
"Sa lahat ng wedding picture natin ito ang pinaka-favorite ko. Kitang-kita ko ang berde mong mga mata. Ang ganda," ani ni Victor habang hawak ang door knob.
Nakita niya kasi si Phineas na napatigil at napatingin sa portrait.
"Ma-Mata ko maganda?" ulit ni Phineas. Ngumiti si Victor at lumingon.
"Yeah, hindi ko nga alam kung bakit mo tinatago ang mukha mo. Maganda ka naman," ani ni Victor. Namula ang tenga ni Phineas dahil sa compliment ni Victor.
"Pe-Pero— kamukha ko si Peregrine di—diba?" ani ni Phineas. Napatigil si Victor dahil nabanggit na naman nito si Peregrine ang kakambal nito. Paano ni Phineas nasabi na kamukha niya si Peregrine? Hindi naman sila identical twin.
He found it wierd. Napansin niya din na parang sobrang laki ng insecurities ni Peregrine kay Phineas to the point na sinisiran ni Peregrine si Phineas sa kaniya na hindi niya naman pinapansin.
Sumandal si Victor sa pinto at tiningnan si Phineas.
"Ilang beses ko na nakita ang mukha mo. Ganoon din si Peregrine sa mga taping namin. Hindi kayo magkamukha. Kahit sa eye color magkaiba kayo— mas maganda ka din sa kaniya at natural," ani ni Victor. Sa pagkakataon na iyon seryoso siya.
May tinatagong ganda si Phineas. Wala lang itong confident at nagpuputol-putol ang salita dahil madali itong kabahan.
Hinawakan ni Victor ang kamay ni Phineas at binuksan ang isang pintuan na naka-connect sa room nila.
Iisa lang ang labasan ng kwarto na iyon. Mas tahimik at puno ng libro. Nagulat si Phineas matapos makita iyon.
Ang dahilan kung bakit hapon na niya dinala si Phineas sa villa na iyon ay dahil may kinontak siyang mga tao para dalhin ang mga libro na iyon sa villa.
"Tinatawagan ko si auntie kanina. Pinakuha ko ang old laptop at ilang mga gamit mo sa dati mong kwarto.
Nanginginig si Phineas. Napatigil si Victor matapos makitang tumulo ang luha ni Phineas.
Napangiti si Victor dahil ang luha na iyon ay alam niyang hindi dahil sa lungkot. Writer si Phineas— tumigil ito bilang fulltime house wife at mabigyan siya ng atensyon.
Paghahanda ng breakfast at dinner— paghahanda ng mga susuutin niya tuwing umaga at paghahanda ng paliliguan niya.
Walang kaalam-alam si Victor sa hilig na iyon ni Phineas hanggang sa makita niya ang dating kwarto nito sa mansyon ng mga Lawson 'nong binurol ito. Sikat na writer si Phineas at talagang bumebenta ng todo ang books nito pero tumigil ito 'nong kinasal sila dahil sinabi ng ina nito na si Mrs. Lawson.
"Hindi kita pipigilan sa mga nagpapasaya sa iyo. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo— susuportahan kita Phineas," ani ni Victor. Lumingon si Phineas habang himihikbi. Hindi nito magawang makapagsalita kaya tanging paghawak na lang sa laylayan ng suot na longsleeve ni Victor ang nagawa nito.
"Huwag ka ng malungkot," ani ni Victor at inabot ang pisngi ni Phineas. Pinunasan nito ang pisngi ni Phineas kaya nahawi ang ilang hibla ng buhok ni Phineas na nakahara sa mukha nito.
Nagtama ang mata nilang muli. Kitang-kita ngayon ni Victor ang berdeng mga mata ni Phineas.
Noong gabing iyon— kitang-kita niya din ang mga mata ni Phineas. Puno iyon ng galit, lungkot at sakit— sobra-sobrang emosyon. Ayaw niya na muling makita ang ganoong uri ng tingin ni Phineas sa kaniya.
"Phineas," ani ni Victor. Nilapit ni Victor ang mukha sa pisngi ni Phineas. Naramdaman niya ang mabilis na paghinga ni Phineas na tumatama sa kabiling pisngi niya.
May sofa sa gitna ng kwarto kaya pag-atras ni Phineas— napaupo siya sa sofa at dahil nasa bewang niya ang mga braso ni Victor napayuko ito at naitungkod ang isang braso sa sandalan ng sofa.
Napatingala si Phineas. Doon nakita ni Victor ang buong mukha ni Phineas at parang hinihigop siya ng berde nitong mga mata.
Bigla yatang nasakal si Victor sa suot niyang kurbata at bigla siyang nauhaw. Napalunok si Victor— hahalikan niya si Phineas nang biglang may kumatok sa pinto.
Napatayo ng ayos si Victor. Halos maging kasing pula naman ng kamatis ang mukha ni Phineas matapos bumalik lahat ang senses niya.
Lumapit si Victor sa pintuan. Binuksan iyon at nagulat ito matapos makita si Peregrine.
"Sabi ko na nandito ka," ani ni Victor. Napatayo si Phineas matapos makita ang kakambal na ngumiti at kumaway.
"Phine! Pasensya na sa istorbo ito kasi si Vic—"
Hinila ni Victor si Peregrine palabas ng silid. Sinundan sila ng tingin ni Phineas.
"Bakit kailangan mo pumasok dito? Hindi ba uso sa iyo ang privacy?" ani ni Victor. Iyon ang huling narinig ni Phineas bago nagsara ang pintuan ng master bedroom.
Wala pang isang minuto bumukas ulit iyon. Sumilip si Victor.
"Phinea, wait lang ah? About ito sa work. Babalik agad ako," ani ni Victor bago kumindat. Namula si Phineas— napangisi si Victor at muling sinara ang pinto.
Napahawak si Phineas sa pisngi dahil sa init 'non. Gusto niya gisingin ang sarili— hindi naman iyon ang first time. Napatigil ito maya-maya matapos maalalang nasa villa na din iyon si Peregrine.
Umiling-iling si Phineas matapos mag-over think na naman siya. Ang daming what ifs na pumasok sa isip niya ngunit 'nong maalala ni Phineas ang sinabi ni Victor na work lang iyon.
Medyo kumalma si Phineas. Hindi magsisinungaling sa kaniya si Victor at walang dahilan para magsinungaling sa kaniya si Victor.
Trabaho lang ang lahat sa kanila ni Peregrine at naniniwala doon si Phineas.