bc

The Wife He Never Meant to Love

book_age18+
119
FOLLOW
1.9K
READ
family
HE
opposites attract
second chance
boss
drama
bxg
serious
brilliant
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Ivan Paul Anderson—a man every woman dream of. A successful young millionaire at the age of 25, he has remained single his entire life, waiting for the only girl he once promised his heart to. But that promise was made 17 years ago… to a bubbly three-year-old little girl.

Until…

His grandfather forces him to return to their hacienda and marry the nurse who has been taking care of him.

Veronica Angelic Mariano—once born into a wealthy family, now living in poverty. Her life changed in the blink of an eye. Determined to survive and fulfill her dreams, she becomes a working student.

Strong and independent, Veronica faces life’s challenges alone with courage and confidence.

Until…

Ivan Paul Anderson suddenly enters her life, along with the promise she made to old Mr. Anderson—a promise that has been haunting her for years. The worst part? Ivan believes Veronica manipulated his grandfather to inherit almost all of the Anderson family’s wealth, and he refuses to let it slide.

What happens when hatred, misunderstandings, and a long-forgotten promise bring two completely different worlds together? Will love finally heal the wounds of the past… or destroy them both?

chap-preview
Free preview
1 – Veronica’s Nursing Journey
Bitbit ang backpack, matiyagang pumila si Veronica sa paradahan ng jeep, kasama ang iba pang mga pasaherong matiyagang naghihintay sa kasunod na jeep. She felt so exhausted. Kinuha niya ang earphones at isinalpak sa tainga. Nais muna niyang magpakalunod sandali sa musika pagkatapos ng nakakapagod na araw. Gusto man niyang magpahinga, hindi pa puwede. Kailangan muna niyang kumayod nang kumayod sa ngayon. Nag-usal ng pasasalamat si Veronica nang makita niyang umusad na ang pila. Sa wakas ay nakasakay na siya ng jeep matapos ang mahabang paghihintay. Napahinga siya nang maluwag nang makitang umandar na ang jeep, hudyat na paalis na ito. Pagdating sa bahay, padapang ibinagsak ni Nica ang pagod na katawan sa malambot na kama. Huling taon na niya sa kursong Nursing kaya mas lalo siyang naging masigasig sa paghahanap ng pagkakakitaan para may pang-review siya pagkatapos ng graduation. Every weekday, pagkagaling sa university ay dumidiretso siya sa mansion ni Lolo Fidel—ang may-ari ng university na pinapasukan niya at ng pinakamalaking hospital sa kanilang bayan. Isa si Nica sa mga personal nurse ng matanda. Isa rin iyon sa mga part-time job niya, at malaking tulong sa kanya ang mataas nitong pasahod. Gusto pa nga ni Lolo Fidel na doon na lamang siya tumira sa mansion para may makasama ang nag-iisa nitong apong babae na naging best friend na rin niya. Hindi siya itinuturing na iba ng matanda—parang tunay na apo na rin dahil matalik na kaibigan nito ang yumao niyang lolo. Napadilat si Nica nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Pikit-matang kinapa niya iyon sa loob ng bag na nasa sahig. She saw the caller’s name, and it was none other than her best friend, Mindy Allison Anderson. Isang taon nang nananatili ang babae sa hacienda, at hindi niya maintindihan kung bakit mas pinili nitong manatili sa probinsya kaysa sa lungsod. When Mindy came to town, they instantly became best friends since palagi siyang nasa mansion para maging personal nurse ng lolo nito kahit nag-aaral pa siya noon. Hindi rin ganoon kaalagaan si Lolo Fidel kaya mas lalo silang naging malapit sa isa’t isa. Tatlong taon itong mas matanda sa kanya. Sa US ito nag-aral at nagtapos, tulad din ng nakatatanda nitong kapatid na si Ivan Paul Anderson. Speaking of Ivan, pauwi na ito ng Pilipinas—isang hiling ng matandang Anderson sa kaisa-isa nitong apong lalaki. But she didn’t know exactly when he would arrive. She hadn’t met him personally yet and had only seen him in pictures. “Hello…” patamad niyang sagot habang nakapikit. “Hey, bessy! Guess what?!” bungad ng best friend niya sa kabilang linya. “Mindy Allison Anderson! Will you please lower your voice? Hindi pa ako bingi, pero malapit na dahil sa’yo.” “Oops! Sorry naman, bessy. I’m just so excited to inform you that my kuya will arrive anytime soon.” Narinig niya ang pagtawa ng kaibigan sa kabilang linya. “Oh? Eh ano ngayon? As if naman kailangan ko ring ma-excite.” “Haller, to Earth! Of course you should be! First time mong makikilala si kuya, ano! For sure, magugustuhan ka niya. Ayeee! I’m so excited!” Knowing Mindy, madalas siyang itulak nito sa kapatid na hanggang pictures lang naman niya nakikita. Palibhasa hopeless romantic ang babae at siya ang madalas nitong pagdiskitahan pagdating sa love life. Kailangan niya na yatang kaawaan ang sarili niya. “Oh, cut the crap, Mindy. Bulag yang kapatid mo kung sakaling magkagusto siya sa’kin. And I’m not that desperate para magka-love life. For my future patients’ sake, kailangan ko munang grumaduate at mag-alaga ng mga pasyente ko soon.” “Whatever, Nica. Just mark my words. We’ll see what will happen in the future. Malay mo maging pasyente mo rin si kuya… sa kama.” “Mindy! I’ll make sure that never happens!” Narinig niya ang malutong na halakhak sa kabilang linya. In an instant, alam niyang namula na siya na parang kamatis. Sanay na siya kay Mindy na liberated dahil sa States ito lumaki at natural lang dito ang mga ganoong biro. “Bessy, nurse ka. For sure marami ka nang nakita… alam mo na…” napahagikhik ulit ito sa kabilang linya. “Mindy, if you won’t stop talking nonsense, I’d better hang up. Kararating ko lang galing work, so stop poisoning my mind this early in the morning.” Aminado siyang marami na siyang nakitang katawan ng lalaki at babae. Of course, as a nurse, part iyon ng trabaho nila. But they were professionals when it came to those private matters. “As if I don’t know. You’re just avoiding the topic, bes. But anyway, I have to go now. I’ll call you kapag nasa airport na si kuya. Tayo ang susundo sa kanya. Hep! Huwag kang umangal. Bye, bessy! Mwa!” “Mindy, wai—” Tanging tunog na lamang ang kanyang narinig. “What the—ugh! That brat. Ano na naman ang gagawin ko sa airport? That Ivan… we don’t even know each other. Baka magmukha lang akong tanga, at iyon pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat,” aniya sa sarili. KINABUKASAN, patakbong pumasok si Nica sa university dahil late siyang nagising at mahuhuli na siya sa klase. Habang nagmamadali sa hallway, narinig niya ang bulung-bulungan ng mga estudyante. “OMG! Darating daw dito si Ivan, iyong apo ng may-ari ng school natin!” tili ng isang estudyanteng nagkukumpulan di-kalayuan sa kanya. “Dapat magparebond na ako at magpa-facial. Super yummy at gwapo raw niya. Dapat mapansin niya ako,” segunda naman ng isa. “Huh! Asa kayo kung makakalapit tayo roon. According to the gossip, magiging panauhin daw si Ivan sa darating na graduation,” singit naman ng isa pang babae. Napailing na lamang siya at binilisan ang paglalakad papunta sa classroom. “Hay, kung alam lang nila na best friend ko ang kapatid ni Ivan, for sure maiinggit sila. Dapat pag-aaral ang asikasuhin nila imbes na pagpapacute sa kung sinong gwapong Poncio Pilato ang makita nila,” aniya sa isip. Poor parents. Sayang ang pawis at pagod nila para mapag-aral nang maayos ang kanilang mga anak. Sophomore pa lang ang iba pero atat na atat nang magkaroon ng boyfriend. As if naman mauubusan sila ng lalaki—eh halos kada minuto may batang ipinapanganak. Ano bang meron kay Ivan na iyon? Lately, palagi na lamang itong bukambibig ng mga estudyante at maging ng mga teachers nila. Nobody knew how close she was to the Anderson family, especially to Lolo Fidel and Mindy, kaya binabale-wala na lang niya ang mga usap-usapan. Well, wala naman siyang naririnig na masama tungkol dito. In fact, puro papuri pa nga para kay Ivan at sa pamilya Anderson ang madalas niyang marinig. Siyempre, hindi rin nawawala ang pagpapantasya ng marami sa nag-iisang apong lalaki ni Lolo Fidel. PAPASOK pa lang si Nica sa mansion nang makita niyang humahangos pababa ng hagdan si Mindy. Nakakunot-noo niya itong tinanaw habang may malapad na ngiti sa labi. Kumakaway ito habang pababa. “Bessy, you’re here!” sigaw nito habang papalapit. “Mindy, para kang timang. Araw-araw akong nandito dahil nurse ako ng lolo mo. At puwede ba? Magkaharap lang tayo, hinaan mo naman yang boses mo. Pati mga langgam, naiistorbo mo sa pribado nilang pananahimik.” Tumawa naman ang huli. Lakas talaga ng topak ng babaeng ito. “Huwag mong idamay ang mga langgam, bes. At for your information, sila ang nanggugulo, hindi ako. Anyway, si kuya, bukas ng hapon na ang dating, so according to lolo, tayo ang susundo sa kanya sa airport.” “Bakit kailangan ko pang sumama? Hindi naman kami magkakilala ng kuya mo,” reklamo niya. Sa totoo lang, nahihiya siya dahil baka kung ano pa ang isipin ng lalaki kapag sumama siya. Ginawa pa talagang kakampi ni Mindy ang lolo nito. As if naman hindi alam ni Nica na ipinakilala na siya nito sa matanda. Mindy rolled her eyes. “Veronica Angelic Mariano, kaya nga kita isasama para magkakilala na kayo agad ni kuya. And lolo expects you to come with me, kaya sige na please… sumama ka na, bessy.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
177.5K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.0K
bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
258.1K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
88.2K
bc

The doctor is in love

read
23.7K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
5.7K
bc

Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook