Hindi matanggap ni Arjon na nagbabago na ang pagtingin niya sa kaniyang asawa na si Yunnie. Lahat naman ginagawa niya para bumalik ang lahat sa dati, ngunit kumokontra ang kaniyang puso. Hanggang sa isang araw, nakilala niya ang janitress sa kaniyang kompanya. Doon niya napagtanto na ang pagmamahal na mayroon siya para kay Yunnie ay hindi na kasing lalim ng dati. Sinubukan niyang labanan ang kaniyang nararamdaman. Sinikap niyang iwasan ang janitress na nagpapagulo sa kaniyang sistema pero kahit ano'ng iwas niya, mas lalo lang siyang nahuhumaling sa babae.