CHAPTER 12
Ellyce.
"Ano ba kasi ang gusto mong gawin ko?! Argh! nakakainis ka na ah!" Inis na bulyaw ko sa kan'ya. Bwesit talaga 'tong lalaking 'to. Kanina ko pa siya tinatanong kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin para makabalik na ako sa dorm at matulog pero aiysh!
"I'm hungry and I want you to cook something for me." He said, plainly. Napairap ako. Okay lang naman siguro na ipagluto ko siya, 'di ba? Tsk! Para na rin maka-uwi na ako sa dorm. Kanina pa niya ako pinipigilang umalis eh.
"Sige na nga. Saan ako magluluto?" Tanong ko. Malay naman natin kung saan niya ako paglulutuin, 'di ba?
"Sa kusina?" Peste talaga 'tong lalaking 'to. Malamang, sa kusina naman talaga dapat ako magluluto, like duh!
"Wag ka ngang mamilosopo. Ang ibig kong sabihin, saang lugar ako magluluto." Pagpipigil inis kong saad.
"Sa kusina nga, okay?" Konti nalang talaga, masasapak ko na ang lalaking 'to. Wala akong pakialam kahit prinsipe pa ang isang 'to.
"Ginag*go mo ba ako, Tyrone?! Alam kong sa kusina ako magluluto. Ang tanong, saang kusina mo ako paglulutuin. Sa dorm mo o sa dorm namin?!" Hiningal talaga ako sa sinabi ko, pramis. Cross my heart. Mamatay man 'tong lalaki na kausap ko ngayon. Lampake.
"Tch. Ba't 'di mo sinabi agad? Tara sa dorm namin." sabi niya at hinila ako or let's say na kinaladkad ako. Walangya talaga 'tong lalaking 'to. Sarap ilublob sa tubig magdamag eh.
Nang makarating kami sa dorm nila nalula nalang ako sa laki. Dalawang beses ang laki nito kumpara sa dorm namin nina Fiona at Trixie. Tsk! Pa-special talaga eh. Malamang, Ellyce. Anak sila ng mga Hari at Reyna. H'wag bobo, okay? Tsk! baliw na ako, nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko.
"Hoy, babae! Ipagluto mo na nga ako!" bulyaw sa akin ni Tyrone. Napairap nalang tuloy ako. Ano akala niya sa akin? MAID? Kung maka-utos wagas ah, dinaig pa ang amo. Tsk, ipasok ko siya sa bulsa ni Doraemon eh. Kainis!
"Oo na! Peste." Sabi ko at nagmartsa patungong kusina. Bubuksan ko na sana ang isang pintuan ngunit bigla nalang nagsalita si Tyrone.
"Where do you think you're going?" Tanong niya habang nakakunot ang kan'yang noo.
"Sa kusina, malamang." Sabi ko sabay irap. Like duh, sabi niyang magluluto ako, 'di ba? Natural, sa kusina ang tungo ko.
"Papasok ka diyan?" Tanong niya habang nakaturo sa pinto na nasa gilid ko.
"Oo, sabi mo magluluto ako, 'di ba?" Nakapamewang na tanong ko. Ang gulo din nitong lalaking 'to, eh noh?
"Tanga ka ba, ha? Sa CR ka magluluto?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "CR 'yan hoy! Nandoon ang kusina oh." Sabi niya sabay turo sa kabilang direksyon.
Oh shems! Napahiya ako do'n ah.
Agad akong tumakbo papunta sa direksyon na tinuro niya at hinanda ang mga kakailanganin sa pagluluto.
Habang nagluluto ako may naramdaman akong isang presensya sa likod ko at alam kong kay Tyrone galing 'yon.
"Ano ba yan. Ang tagal naman niyan matapos." Sabi niya. Napairap nalang tuloy ako ng palihim. Tsk! Ilang beses na ba akong umirap ngayon araw?
Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy parin sa pagluto. Pagkatapos kong magluto, nilagay ko na sa pinggan at nilapag sa mesa, naghanda narin ako ng strawberry juice.
"Kain na po!" I sarcastically said.
Nagsimula na siyang kumain habang ako naman ay kumuha ng tubig sa Ref at ininom.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita at patuloy parin sa pagkain ng hindi man lang ako pinapansin. Grabeh lang mga beshie. Hindi man lang ako niyayang kumain. Heller? Ako kaya ang nagluto niyan. Psh.
"Hays! Ang sarap mo palang magluto." sabi niya habang hinihimas himas ang t'yan niya.
"We're home!"
Napitlag naman ang tenga ko sa narinig na sigaw. Oh, s**t? "Aalis na ako." Paalam ko. Lalabas na sana ako ng kitchen ng bigla nalang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngunit parang may kuryenteng dumadaloy sa boung sistema ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nakatingin siya ng mariin sa akin habang ako ay nagtataka sa inaakto niya.
"OMO!"
Napabitaw si Tyrone sa pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko at tiningnan ang mga kaibigan niya ng nakakabagot. Nakanganga silang nakatingin sa amin habang hindi gumagalaw. Okay? I think, they misunderstood the situation.
"What?" Tanong ni Tyrone sa kanila.
"Oh, hi!" Masayang sabi ni Alyana nang makabawi sa gulat.
"Halika, do'n tayo sa living room." sabi ni Alyana at hinila ako papuntang living room. Sumunod naman sa amin 'yung mga lalaki. Pagkatapos no'n ay umupo kami sa mahabang sofa.
"'Di ba ikaw 'yung nakasagutan ni Jeanne sa cafeteria? Ano palang pangalan mo?" Tanong ni Trever. I can't easily memorize name but not faces.
"I'm Kyline Ellyce Ariana Alcantara, Ice mage." Nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. Bakit kaya?
"I-ilang taon ka na?" Utal na tanong ni Frost.
"17, why?" Nakakunot noong tanong ko sa kanila.
"Sigurado ka bang Ice Mage ka?" Paniguradong tanong ni Frost. Lahat sila ay tila inaantay ang magiging sagot ko. Okay?
"Yes, why? Is there any problem?" Tanong ko.
"A-ah nothing." Sabay na sabi nila at ngumiti ng pilit. They are acting weird.
"Uhmm... I have to go." sabi ko at tumayo. Tumango lang sila kaya lumabas na ako at nagtungo sa dorm namin.
Pagkapasok ko ay nadatnan ko sina Trixie at Fiona sa sala habang nakaupo sa sofa.
Tumikhim ako ng sadya kaya napalingon silang dalawa sa gawi ko at lumapit sa akin.
"Saan ka nanggaling?" Fiona asked.
"Kumain ka na ba?" Trixie added.
"Kanina ka pa namin hinahanap." Ani ni Fiona.
"I don't have any energy to answer your questions. I wanted to rest." Saad ko sa mababang tono.
"Okay, rest well." sabay na sabi nilang dalawa at ngumiti. Ngumiti ako ng konti sa kanila bago pumunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko, nadatnan ko si Ice na nakahiga sa kanyang higaan.
"Ice," tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin kaya umupo ako sa lapag habang hinihimas-himas ang malambot niyang balahibo.
Nagtataka talaga ako kung bakit ganoon umasta 'yung Royalties kanina. May mali ba sa pangalan ko? Ba't ganun sila maka-react? Well, never mind.
Ginawa ko nalang ang aking night routine at pinainom si ice ng gatas bago humiga sa kama at natulog.
***