Chapter 10

936 Words
CHAPTER 10 Ellyce. Pagkatapos maayos ni Sir Alex ang mga gamit na nasira namin no'ng Tyrone ay nagsidatingan narin ang mga classmates ko. Kitang-kita ko ang matinding gulat at pagtataka sa mga mukha nila nang makita ang Royalties. Ang akala ko ay aalis din 'yung Royalties, pero hindi. Nanatili silang nandito habang pinapanood ang training namin. Wala naman daw kasi silang gagawin kaya manonood nalang sila. Tsk, I don't effin' care. Nagpalabas ako ng isang Ice Blade sa kamay ko at sinuri ng malapitan. Napakatulis ng dulo nito. Sinugatan ko ang index finger ko gamit nito and I can now clearly see my blood flowing down. My blood is not ordinary compare to other mages, my blood is red with the combination of black. "Hey, Ellyce." Agad kong ginamot ang sugat ko gamit ang aking healing ability ng palihim at tiningnan kung saan galing 'yung boses na tumawag sa akin. Lumingon ako sa likuran at nakita sina Fiona at Trixie na naglalakad papalapit sa akin. Napahawak ako sa aking ulo at pumikit. Umiikot ang paningin ko. Kaya hindi ko masyadong ginagamit ang aking healing ability dahil napapakiramdaman kong nawawalan ako ng lakas. "What?" Tanong ko at dahan-dahang dumilat upang tingnan sila. "Hays, sayang naman umalis na 'yung Royalties. Umalis na si inspiration, huhuhu." Dismayadong sabi ni Fiona na may pa-emote emote pang kasama. Napa-iling nalang tuloy ako sa reaksyon niya. Tumingin naman ako kung saan nakaupo kanina ang Royalties at wala na akong nakita ni-isang anino do'n kaya totoo ngang umalis na sila. Kaya pala nagtamlay-tamlayan si Fiona. "Okay ka lang? I saw you closing your eyes tight while touching your head." May halong pag-aalala'ng sambit ni Trixie. Umiling lamang ako bilang tugon. "Cafeteria tayo?" Sabi ni Trixie na sinang-ayunan naming dalawa ni Fiona. Lumabas na kaming tatlo sa training room at nagtungo sa cafeteria. Bawat estudyanteng madadaanan namin ay hindi maiwasang mapatingin sa amin. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pagkarating namin sa Cafeteria ay nag-suggest si Trixie na siya nalang ang mag-o-order kaya naghanap nalang kami ni Fiona ng vacant seat at umupo. Maya maya pa ay dumating na si Trixie dala-dala 'yung mga inor-der namin kaya nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming tatlo na kumakain nang may bigla nalang nagsalita. "Hey, b*tches! Back off, that's our chair." Napalingon naman kami sa nagsalita at 'yung Jeanne pala kasama 'yung dalawa niyang alipores. Napansin ko rin na nakatingin na din sa amin ang mga estudyante dito sa cafeteria. Tsk! This alien is really an attention seeker. "Kami nauna dito." Fiona said. "Abah! Sumasagot ka na sa amin ah!" Jeanne was about to slap Fiona when Trixie spoke. Gagi! Sumasagot talaga 'yan kasi may bibig. This alien is not using her brain. "Don't hurt her, Jeanne. Wala naman siyang ginagawang masama sa 'yo." She said then give Jeanne a death glare. But, Jeanne is just smiling devilishly. "Are you threatening me?" Jeanne uttered. "No, I'm not." Sabi ni Trixie. "Oh. Kaibigan niyo pala ang isang 'to?" Kahit hindi halata, I know that she's referring to me. Hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pagkain na parang walang nangyari or narinig. Nagulat lahat ng nasa cafeteria sa sunod na ginawa ni Jeanne. Tinabig niya lahat ng pagkain ko at binuhusan ako ng juice. "Nice to meet you again, the girl I encountered before." Mapang-asar na sambit niya. Galit na huminga ako ng malalim at napabuga ng hangin. Tiningnan ko siya sa mga mata niya na ubod ng sama. Sa lahat, ang ayoko ay 'yung ini-istorbo ako sa pagkain. Cursed this alien! Tumayo ako sa kina-u-upuan ko at unti-unting lumapit sa kan'ya. Nakita ko naman siyang napalunok at uma-atras na siyang nakapagpangisi sa akin. "Scared, huh?" Nakangising sabi ko. "A-anong takot?! B*tch! Isa ka lang namang weak kaya bakit ako matatakot sayo?! Hahaha, dream on. I'm the princess of the Main Tribe and I'm not scared to those weak people like you and your friends!" Tapang tapangan niya. Hindi parin ako humihinto sa paglapit sa kanya habang siya ay patuloy parin sa pag-atras. "You know? You can do nasty things at me. But, make sure to taste your words before you spit them out. Make sure to think thrice before you make a move. You can't predict what will happen to you." I said coldly but dangerous to her. Nakita ko naman siyang namutla. Bago ko pa siya mahawakan ay pumagitna na si Trixie sa aming dalawa. "Just say sorry and we will leave this place, peacefully." Trixie said. "Sorry?! You must be kidding me! Why would I?!" Jeanne protest. "Just say sorry to her. It's your fault anyway." Trixie said. "No way!" Jeanne said and started to walk out. Bago pa man siya makalampas sa akin ay gumamit ako ng invisible Air Whip para mapatid siya at nagawa ko naman. "Pff~" Rinig kong pagpipigil tawa ng mga estudyante. Tumayo naman siya at pinagpag ang uniform niya tsaka nagsalita. "Sinong gumawa no'n?!" Galit na sigaw niya at tumingin sa akin ng masama. Napataas ang isang kilay ko. "You did that, aren't you?!" Sigaw niya habang nakatingin ng masama sa akin. Nagkabit balikat lang ako habang nakangisi. "Pano mo nasabi? May ebidensya ka ba?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya. Nang dahil sa kahihiyan ay nag-walk out nalang siya, what I mean is tumakbo palabas ng cafeteria kasama 'yung dalawa niyang alipores. Parang kabayo si Jeanne tapos buntot niya naman yung dalawa, sunod ng sunod eh. Lumabas narin ako ng cafeteria at nagtungo sa dorm. Pagkarating ko sa dorm ay agad akong nag-shower at humiga sa kama. Medyo napagod ako sa training namin kanina. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD