CHAPTER 5
Ellyce.
Kasalukuyan akong naglalakad mag-isa dito sa hallway ng school. Nauna na akong umalis sa dorm, tulog pa 'yung dalawa eh. Malamang, 6 am palang ng umaga.
Naisipan kong pumunta muna ng garden para magpalipas ng oras. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip kina Lolo at Lola. Feeling kasi ay may mangyayaring hindi maganda sa kanila eh. I don't know kung kailan pero malakas ang kutob ko na mawawala sila sa amin ni Kuya. Kung ganoon, wag naman sana. Sina Lolo at Lola nalang ang natitirang pamilya namin ni Kuya at ayokong pati sila ay mawala. Nawalan na kami ni Kuya ng ina at ama at ayokong pati sina Lolo at Lola ay iwan kami.
Alam kung ampon lang ako pero hindi ko parin maiwasang mag-alala. Kahit papaano, sila parin ang nag-alaga sa akin sa loob ng 17 years at hindi ganoon kadaling talikuran 'yon. I treasured them a lot.
Nang makarating ako sa garden ay agad akong umupo sa damuhan at sumandal sa trunk ng puno. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinaramdam ang paligid at ang sariwang hangin. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang panahong 'yon.
Simula no'ng magka-isip ako ay may napansin na akong kakaiba sa akin na wala sa ibang tao. I have a strength that everybody couldn't believe it exist. Kapangyarihang gustong kunin ng mga masasama o Dark Wizards. Pinagsanay ako nina Lola at Lolo kasama si Kuya para makontrol ko ang kapangyarihan ko.
Aaminin kong napakahirap nitong kontrolin. Dark and Light? Bihira lang daw 'yon sa magic world. Hanggang ngayon, hindi ko parin ito makontrol ng maayos.
Ang sabi ni Mom and Dad na half blooded daw ako at ako ang pinakamalakas sa lahat. Wala silang nabanggit sa akin tungkol sa mga magulang ko. No'ng una hindi pa ako naniniwala. Ang bata ko pa no'ng time na 'yon kaya hindi ko 'yon masyadong ini-isip pero no'ng lumalaki ako ay unti-unti kong naintindihan ang mga bagay na tungkol sa akin.
No'ng time na wala sa mansion sina Mom at Dad. Palihim akong pumunta sa kwarto nila. I'm so curious about my parents' identity. Di nagtagal ay may nakita akong isang papel na may pagkaluma na tapos may sulat na nakalagay kaso hindi ko mabasa because its written in other language. Parang code or more than like that.
Hindi ko na namalayan ang oras at malapit na palang magsimula ang first class. Tumayo na ako galing sa pagkaka-upo at nagtungo sa classroom.
Habang naglalakad ako, ramdam ko ang malalagkit na titig sa akin ng mga estudyante dito. Tsk! Can't they mind their own business? Ngayon lang ba sila nakita ng dyosa?
Girls side.
"Is she the transferee?"
"Yeah. Ngayon ko lang siya nakita eh."
"Gosh! Her pink hair is really beautiful, and look at those eyes! It's breathtaking."
"Oo nga, kaiinggit."
"She's a goddess."
"You're right."
Boys side.
"Siya yung transferee diba?"
"Oo nga bro. Ang ganda niya."
"Bro, yung brief ko, malalaglag na."
"Bakla ka ba bro?"
"Ay sorna, ang ganda niya kasi eh. Nakakalaglag ng brief."
Froglets side.
"Tsk! Attention seeker."
"Yeah right, papansin. Akala mo naman kung sinong kagandahan."
"Mas maganda pa tayo, girl."
"Maputi lang 'yan."
Napa-ismid nalang ako dahil sa mga naririnig kong bulungan. Tsk, bwesit. Nagsasayang lang sila ng laway eh. I didn't mind reverting my eyes to black, sa mortal world ko lang ginagawa 'yon. But since, I am now in a school where magic do exist, I didn't bother myself anymore. Hindi lang naman ako ang may kakaibang kulay na mata.
Pagkabukas ko ng pintuan ng classroom ay bigla na namang tumahimik ang lahat at tumingin sa direksyon ko. My ghad! Kapag ako hindi nakapagpigil, bibigwasin ko talaga sila isa isa. Kanina pa ako nabuburyo sa mga titig nila sa akin, sarap dukitin ng mga mata nito.
Pinigilan ko nalang ang sarili kong mainis at nagtungo sa aking upuan at umub-ob sa aking mesa. Wala pa sila Trixie at Fiona. Tsk! San na kaya ang dalawang 'yon? 5 minutes nalang bago magsimula ang first subject pero wala pa sila. Tsk! Never mind. Kaya na nila ang sarili nila.
***