Chapter 29

1756 Words
CHAPTER 29 Ellyce. No limits in the sky that I won't fly for yah~ Kanta ko habang naglalakad papuntang garden. Nagsisimula na akong nahapin 'yung mga ingredients para sa gagawin kong spell. 'Yung Nietsority muna ang una kong hahanapin kasi 'yon ang pinakamalapit. Nang makarating ako sa garden ay agad kong inakyat 'yung puno. Tatapak na sana ako sa sanga nang bigla nalang humangin ng malakas. Nang mawala na ang hangin ay walang pagalin-alingang kinuha ko 'yung Nietsority at agad na bumaba ng puno. Kinuha ko ang dala kong garapon sa loob ng bag ko at nilagay do'n 'yung Nietsority. Sunod ko namang hahanapin ay 'yung Moreinds na matatagpuan sa likod ng acadeny malapit sa dungeon. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Kuya na kasama si Blake habang nag-uusap at nakasandal sa pader. Nilapitan ko naman silang dalawa at nagtanong. "Alam niyo ba kung saan matatagpuan ang mini falls rito sa school?" Nakita ko naman silang nagkatinginan at tumango, "nasaan?" "Nandoon 'yon malapit sa Secret garden ng school." Blake answered. Secret garden? Ngayon ko lang nalaman na may secret garden pala rito maliban do'n sa garden na palagi kong pinupuntahan. "Makikita mo 'yon sa likod ng west wing nitong school. Maraming mga malalaking bato ang nandoon at tsaka hindi ganoon kadaling makapasok do'n sa secret garden kasi sa tibay at lakas ng barrier na nandoon. Bakit mo naman natanong? Pupunta ka ba do'n?" "Yeah. Nandoon kasi ang isa sa mga kakailanganin ko sa paggawa ng spell," sagot ko. "Bakit? Ngayon ka na ba pupunta do'n?" Tanong ni Kuya. "Hindi. Mamaya na kaya sige, aalis na ako." sabi ko at naglakad papalayo sa kanila at nagtungo sa likod ng academy. Panay ang tingin ko sa likod kasi pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin, ngunit sa tuwing titingin ako sa likod ay wala naman. Nag-iimagine lang siguro ako. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa aking patutunguhan. Mula rito ay tanaw na tanaw ko ang dungeon. Maraming mga kawal ang bantay-sarado sa labas, lalo na siguro sa loob. Agad ko namang nakita 'yung hinahanap ko at nilapitan ito. May nakita akong isang invisible barrier na nakapalibot dito. Itim ang nakapalibot dito. Kung ganoon, ibig sabihin, dark magic ang makakapagwala nito. Pero pano na 'yon? Malaki ang tyansa na mawalan ako ng control kapag gumamit ako ng dark magic dahil napakalakas nito at hindi ko pa masyadong kontrolado. Pero, pwede naman siguro akong gumamit ng light magic kahit kaunti diba? Pumikit ako at nagpalabas ng isang maliit na puting enerhiya mula sa kamay ko. Napa-upo ako sa lupa ng bigla nalang akong nahilo. Maliit nga lang ang nilabas kong light magic pero nahihilo na ako, pano pa kaya kung malaki na at worst dark magic pa? Paniguradong hindi maganda ang mangyayari kung magkataon. Unti-unti namang nag-crack 'yung itim na barrier. Akala ko ay patuloy itong masisira ngunit nagkamali ako. Imbes na mawala ito ay mas lalo pang kumapal. Gumawa ako ulit ng light magic, pero malaki-laki na kumpara kanina pero wala paring epekto. Halos hindi huminto ang pag-ikot ng paningin ko kaya napapikit nalang ako at nagpahinga ng ilang segundo. Tiningnan ko ulit yung barrier ng matagalan. What if... Pagsama-samahin ko lahat ng kapangyarihan ko? Well, I guess it will work. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid upang siguraduhin na walang tao bago ko maisagawa ang aking plano. Unti-unti kong pinalabas lahat ng elemento na meron ako at ginawang bola na kasing laki ng billiard ball. Kinakabahan ako ng unti-unting nag-crack 'yung dark barrier, baka kasi hindi na naman e-epekto. Parang anytime ay magco-collapse na ako dahil sa lakas na nilabas ko. Napangiti ako ng mawala na 'yung dark barrier. Dahan dahan kong kinuha 'yung bulaklak ngunit nang hawakan ko ito ay nakuryente ako kaya napahawak ako sa kamay ko habang napangiwi sa sakit. Nag-isip ulit ako ng plano kung paano ko to makukuha. Naisip ko ulit na gamitin lahat ng elemento na meron ako para makuha to ngunit naisip ko rin na baka tuluyan na akong mag-collapse kung gagawin ko 'yon. Aiysh! Bahala na nga, basta ang importante at makuha ko ang bulaklak na 'to. Nagpalabas ulit ako ng mga elemento na meron ako at ginawang gloves sa kamay ko. Kumbaga, ito ang ginagawa kong shield. Hindi nagtagal ay napagtagumpayan ko itong makuha at agad na inilagay sa isa pang garapon na nasa bag ko. Tumayo na ako at nilisan ang lugar ngunit napahinto ako nang makaramdam ako ng presensya sa likuran ko kaya napalingon ako. Kanina ko pa napapansing parang may sumusunod sa akin ngunit hindi ko alam kung sino ito at tsaka hindi ko rin siya makita. Kung kanina ay iniisip kong imahinasyon lang 'yon, ngayon ay sigurado na ako. Alam kong nasa paligid lang siya. Nagmamasid sa akin. Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla nalang nag-ring 'yung bell sa school. Hindi ito isang bell na oras na ng klase, yang bell na 'yan ang hudyat kung may emergency. "Dark Wizards detected! They're inside the campus!" "Dark Wizards detected! They're inside the campus!" "Dark Wizards detected! They're inside the campus!" Rinig kong sabi no'ng speaker sa loob ng building. Teka lang.. ibig ba nitong sabihin may nakapuslit na Dark Wizard sa loob ng campus? Pano nangyari 'yon? Akala ko ba mahigpit ang security dito? Tumakbo ako sa kung saan. Hindi ko alam pero parang may buhay ang mga sarili kong paa at bigla nalang itong naghudyat na tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon ngunit nagulat nalang ako ng makarating ako sa Dungeon. What am I doing here? "Sa loob! Sa loob!" Rinig kong sigaw no'ng isang kawal. Agad namang nagsipasukan 'yung nasa labas. Hindi nila ako napansin dahil madilim rito sa kinatatayuan ko. Wala nang bantay sa labas. Nakita ko rin si Head Master na tumakbo sa loob ng dungeon. So? Kung ganoon, nasa loob 'yung mga nakapuslit? Pero, nakakapagtaka talaga eh. Possible kayang may traydor rito sa campus? Hindi ako makapaniwala sa mga naiisip ko ngayon. At bakit naman? Pano siya nakapasok dito kung sino man siya? Natigil ako sa pag-iisip nang may makita akong isang anino ng lalaki na nasa kalayuan. Itim lahat ng kanyang suot at hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa hoodie na nakatakip sa kanyang mukha. Nakatingin siya ng diretso sa dungeon at parang may hinihintay na mangyayari. Di kaya? s**t? Hindi ako mapakali nang bigla siyang ngumisi. Ano ba ang balak ng taong to? Kung pwede lang na lilitaw nalang ako bigla sa harapan niya, gagawin ko--- wait. Teleport. Fvck, I don't know if my teleportation skill is going to work but I won't let this guy escape. Not today. Pumikit ako at inimagine ang lugar na gusto kong puntahan. Hindi nagtagal ay saktong lumitaw ako sa harapan no'ng lalaki. Walang emosyon ang mababakas sa itsura niya ngayon. Wala man lang gulat o takot. Agad akong nagpalabas ng ice spikes sa kinaroroonan niya. Hindi siya gumalaw sa pwesto niya at parang wala lang sa kanyang nailagan 'yon lahat. Darn! This guy was strong! "Sino ka?" Tanong ko at tinigil ang pag-atake sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit feeling ko kilala ko siya? Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at tinanggal ang hoodie na suot niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko. N-no! This can't be! How could he?! "Long time no see, Love." Ramdam ko ang paghinto ng hininga ko nang magsalita siya. He looked at me with full of longing in his eyes. I couldn't move even a single muscle because of his stare. P-paano nangyari to?! "Did you missed me?" Ngayon ay nakangiti na siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko kumpara sa mga nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami ni Tyrone. "Tristan..." "Natatandaan mo pa pala ako, mahal." sabi niya at ngumiti ng malungkot. Darn! I want to hug him tight right now! I fvcking missed this guy so much! "What are you doing here? And why are you---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong siniil ng halik. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko at literal na nanlaki ang mga mata ko. Napakapit ako sa balikat niya ng higitin niya ang bewang ko at mas lalo pang pinalapit sa kanya. Inalis na niya ang labi niya sa labi ko at pinagdikit ang aming mga noo. Nakahawak sa magkabilang pisngi ko ang dalawa niyang kamay. "I'm sorry, love. I'm sorry for leaving you," tapos niyakap niya ako. Hindi na napigilan ng nga luha ko na tumulo. Matagal na panahon rin akong nangungulila sa kanya. Namiss ko ang mga yakap at halik niya. Simula noong bata pa lang ako ay siya na ang palagi kong kasama. Siya 'yung tumatanggol sa akin sa tuwing ina-api ako. Siya 'yung taong palagi akong dinadamayan sa tuwing may problema ako. Siya 'yung taong pinapasaya ako sa tuwing malungkot ako. He was my childhood friend, yet my first love. We're always together back then. Hindi ko talaga ina-akalang makikita ko siya ulit, at sa ganitong paraan pa? I was excitedly walking towards their house to visit him and his family. Ngunit nabalitaan kong umalis na pala sila ng hindi man lang nagpapaalam. Aaminin kong sobrang nasaktan ako no'n lalo na nung maisip ko na mag-isa nalang ako. Five years ang nakalipas no'ng mamatay sila mommy nang iwan niya ako. But then, pinilit ko paring mamuhay ng wala siya, ngumiti ng wala siya, sumaya ng wala siya. Pero alam ko na hinahanap hanap ko parin siya. "Nakatakas sila! Find them!" Rinig kong sigaw mula do'n sa loob ng dungeon kaya napalingon kaming dalawa ni Tristan do'ng. Alam kong kay Head Master galing 'yung boses na 'yon. "I need to go, Love." Sabi ni Tristan at hinalikan ang noo ko bago siya biglang maglaho. What? Does it mean, kasama siya sa mga pumuslit rito sa academy? Why Tristan? Why did you choose to be my enemy? Anong rason mo Tristan at kumampi ka sa kaaway? "Miss Alcantara?" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin at do'n ko nakita si HM na naka-kunot ang noong nakatingin sa akin "What are you doing here? Near the dungeon?" "Ahh, I'm sorry Head Master but even me doesn't know what I'm doing here." pagsisinungaling ko. "Let's go back inside," sabi niya at naunang naglakad kaya sumunod nalang ako. I need rest. Mamaya ko nalang siguro hahanapin 'yung kulang na ingredient sa kakailanganin kong spell. But, I have this thought that's giving me a bothersome felling. What the heck just happened? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD