CHAPTER 21
Trixie.
Kasalukuyan kaming naglalakad palabas sa bayan ng Araya. Umalis agad kami nang mahimatay si Ellyce. I don't know why but, there is really something in Ellyce. The way she uses her power, it feels like parang hindi lang 'yon ang kaya niyang gawin and may mas malakas pa siyang pwersa na nakatago sa kaloob-looban niya? Err-- what am I thinking?
"Where do we supposed to go now?" Alyana asked. "Is she okay?" Dagdag niya habang nakaturo kay Ellyce na natutulog habang naka-akay kay Tyrone. Tsk, isa pa 'to! Bakit hindi niya nalang aminin kay Ellyce na may gusto siya sa kanya? Baka maunahan pa siya ng iba diyan!
"Were going uhmm... this way!" Sabi ni Treves sabay turo sa right side namin. Agad naman kaming naglakad patungo dun sa direksyon na tinuro niya.
"Uhm... Ano ang susunod nating hahanapin?" Krystal asked.
"Water Gemstone," Frost Answered.
Patuloy parin kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang falls. Hindi na ako nagtaka kung bakit kami dito napadpad. Malamang, water gemstone nga eh, alangan namang sa bulkan kami pupunta?
"It's just right here. Let's find it. Tyrone and James, stay with Ellyce." Rinig kong paalala ni Alyana sa dalawa. Tsk. Hindi niya ba alam na may gusto yang dalawang 'yan kay Ellyce? Tapos silang dalawa pa ang magbabantay diyan? Hays. Buhay nga naman oh, parang life.
Nandito ako ngayon sa likod ng isang malaking bato. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito, nagpadala lang ako sa mga paa ko kung saan nito gusto magtungo. May nakita akong isang cute na penguin na papalapit sa akin. Gigil na gigil ko siyang kinarga sa mga braso ko. Natatawa ako ng mahina ng kinikiliti ako nito sa aking leeg, ngunit agad naglaho ang mga ngiti ko ng may naramdaman akong dalawang matulis na bagay na dumikit sa leeg ko, unti-unti itong bumaon na leeg ko kaya napasigaw ako sa sakit at wala sa sariling binitawan ang penguin na bitbit ko. Nakita ko ang matulis na ngipin na nasa pinguin katulad ng mga ngipin ng bampira at may dugo rin ito.
"Trixie!" May naramdaman akong isang presensyang papalapit sa akin. Lilingon na sana ako sa likod ngunit agad naglaho ang paningin ko.
Frost.
Agad kong binuhat si Trixie at dinala kung nasaan sina Ellyce.
"Oh, anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Alyana. Hindi ako sumagot at binaba si Trixie at pinahiga sa lap ko. Tiningnan ko ang naging sugat niya sa leeg. Namumutla na rin ang buong mukha niya. Pinunit ko ang damit ko at nilagay sa leeg niya na may kagat para pigilan ang pagdurugo.
"What are they?" Napatingin naman ako sa tinuro ni Krystal at do'n ko nakita ang napakaraming penguin.
"Penguin, malamang! Bulag ka ba?!" Trever tsked after that.
"Ang cute!" Lalapit na sana si Krystal dun sa mga penguin nang sumigaw ako.
"Krystal! Don't go near them! They maybe cute but they're dangerous! I'm warnin' you, sis!" Umatras siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Nakita kong unti-unting lumapit 'yung mga penguin sa amin.
"Fight them. They are the reason why Trixie become like this," Agad naman nilang sinunod 'yung sinabi ko maliban nalang kina Tyrone at James na binabantayan parin si Ellyce. Lumapit naman ako kina James.
"Take care of her, too. I need to help them." Saad ko. Tumango lamang silang dalawa kaya itinabi ko si Trixie kay Ellyce na nakahiga sa isang ice bed na sa tingin ko ay gawa ng kapatid ko.
Lumapit ako kay Treves. Halata ko sa mukha niya na nahihirapan na siya ngunit lumalaban parin. Nagpalabas ako ng maraming Ice bomb at tinira ang mga penguin na papalapit sa pwesto ko. Sh*t! Saan sila galing?! Bakit parang hindi yata sila maubos-ubos?! Argh!
>>>
Hinihingal akong napa-upo sa lupa matapos naming labanan 'yung mga penguin. Maya maya pa ay may nakita akong kumikinang do'n sa may likurang bahagi ng malaking bato. Dahan dahan akong tumayo at nagtungo do'n sa likod ng malaking bato. Nang makarating na ako do'n ay napanganga nalang ako sa aking nakita. A-ang water gemstone!
Agad ko itong kinuha at tumakbo sa mga kasama ko. Pinakita ko sa kanila 'yung Water Gemstone na nakita ko. I saw the relief of their faces as they get it and put inside the bag where the Earth and Fire gemstone are placed.
"What are we going to find next?" Fiona asked.
"Air Gemstone." Treves respond.
"Let's get going," Alyana said. Bubuhatin na sana ni Tyrone si Ellyce ng bigla nalang dumilat ang mga mata nito at ina-aninag ang paligid.
"Where are we?" Ellyce asked.
"We're now heading to another place to find the Air Gemstone," Si James and sumagot.
"Are you okay now? Can you walk? Do you have any pain on your body?" Nag-aalalang tanong ni Phoenix sa kanya.
"I'm okay," Simpleng sagot sa kanya ni Ellyce at tumayo.
Nagsimula na kaming maglakad sa lugar kung saan namin mahahanap ang Air Gemstone.
***