CHAPTER 23
Ellyce.
Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa mapunong lugar, gubat yata? Namamaga na yata ang mga paa ko sa kakalakad at sa tigin ko ay ito na ang panghuling gem na aming hahanapin. Tsk, mabuti naman kung ganoon. Namimiss ko na si Ice at Kuya.
May nakita akong isang matandang babae ang may bitbit na kahoy sa kanyang likuran na papalapit sa pwesto namin at sa tingin ko ay nakita rin ito ng mga kasama ko kasi hindi sila bulag.
"Kawawa naman si Lola, tulungan kaya natin?" Sabi ni Trever. Lumapit naman siya at sumunod si Frost. Kinuha ni Trever yung kahoy na nakalagay sa likod ng matanda at si Frost naman ay inalalayan siya. Tinuro naman no'ng matanda kung saan siya tutungo kaya sumunod nalang kami, ngunit laking gulat nalang namin nang bigla niyang sakalin si Frost. Sh*t! Anong nangyari?!
Pilit na tinatanggal ni Trever 'yung kamay ng matanda habang si James naman ay pinapayanig 'yung lupa kaya napakapit ako sa puno bilang suporta. Nagpalabas naman ako ng isang ice spike at tinapon 'yon ng sakto lang para masugatan ang braso ng matanda, hindi naman ako nabigo kaya nabitawan niya si Frost. Ginamit naman ni Alyana ang kapangyarihan niya para makontrol ang hangin sa paligid kaya tumilapon ng ilang metro 'yung matanda.
Lumapit naman ako do'n kung saan 'yung matanda. Tatayo pa sana siya ngunit hinawakan ko ang leeg niya kaya napabalik siya sa paghiga. Hinawakan ko naman ang pulsuan niya at palihim na nagpalabas ng ice sa mga palad ko na naka hawak sa kamay niya para mag-freeze ko ang puso niya, hindi naman ako nabigo. Nakita ko ang pamumutla ng mukha at buong katawan nung matanda, marahil ay patay na. Lumapit rin si Tyrone at sinunog 'yung matanda kaya unti-unti itong naging abo hanggang sa tangayin na ng hangin ang abo ng matanda.
"Let's get going," Saad ni Tyrone kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
>>>
"Nasan na ba tayo? Kanina pa tayo naglalakad." Krystal asked. Grr~ ang lamig naman dito sa lugar na to. Kinuha ko ang jacket ko sa bag at sinuot. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.
"Ayon dito sa map, uhm, nandito tayo sa Belladonna? Oh yeah, nasa Belladonna nga tayo ngayon," Sabi ni Treves.
"Maghanap muna tayo ng matitirhan." Sabi ni Frost na sinang-ayunan namin. Gusto ko nang humiga at matulog. Feeling ko kasi anytime ay hihimatayin na ako. Nang makahanap na kami ng bahay na matutuluyan ngayong gabi ay agad akong pumasok sa loob at nakatitig sa kawalan. Hays!
"Mamaya na natin hahanapin ang Ice gemstone kaya magpahinga muna tayo kasi bukas na tayo babalik sa Academy." Fros said.
Naisipan kong matulog nalang muna kaya pumunta na ako sa kwarto naming mga babae at natulog. I badly need a rest.
>>>
Naaalimpungatan ako nang maramdaman kong may umalog-alog sa balikat ko kaya napadilat ako ng aking mga mata, nakita ko si Fiona na naka-upo sa tabi ko kaya umupo rin ako.
"Labas ka na at mag-ayos kasi aalis na tayo mamaya para hanapin ang Ice Gemstone, at tsaka, kumain ka na rin." sabi niya kaya pumunta na ako sa cr dala ng tuwalya at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Isang black denim jeans, white t-shirt, black jacket with hoodie at white vans shoes. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina.
Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang aking pinag-kainan at pumunta sa sala kung nasaan sila. Umupo ako katabi ni Alyana.
"Maghanda na kayo kasi hahanapin na natin ang Ice Gemstone," Sabi ni Frost at tumayo. Tumayo rin sila at nagpunta sa kanilang mga kwarto. Ano ba?! Grabeh sila ah! Mga walangya! Kakaupo ko lang eh! Tsk, kaya heto ako ngayon, no choice kundi pumunta rin ng kwarto at inayos ang mga gamit ko.
"Let's go," sabi ni Alyana pagkatapos naming ayusin ang aming mga kakailanganin at lumabas ng inupahan naming bahay. Habang naglalakad kami sa bayan ay may nakita akong isang dyamante na kumikinang sa bubong ng isang bahay. Sa tingin ko ay nakita rin ito ng mga kasama ko kasi napahinto sila sa paglalakad at napatingin rin sa direksyon na tinitingnan ko kung saan ko nakita ang isang kumikinang na dyamante.
"Ako na ang kukuha," sabi ni Alyana at ginamit ang kapangyarihan niyang hangin para makuha 'yung kumikinang na dyamante sa bubong. Hindi naman siya nabigo at agad itong nilagay sa bag. Mabuti nalang ang may snow dito sa lugar at wala masyadong gumagalang tao dito kaya sigurado akong walang nakakakita sa pagkuha namin no'ng kumikinang na dyamante mula sa bubong ng isang bahay.
"Nahanap na natin ang Ice Gemstone. Pwede na tayong bumalik sa academy." Sabi ni Frost. Hays! Finally, makakabalik na rin kami sa academy. Can't wait.
***