Chapter 25

1566 Words
CHAPTER 25 Ellyce. Yawn. I'm still sleepy. Hays! Nandito ako ngayon sa library, natutulog. Ayokong mag-stay do'n sa dorm, ang ingay no'ng dalawa. Nanonood kasi sila ng horror movie kaya ayun! Sigaw ng sigaw kaya hindi ako makatulog ng maayos at ayoko rin do'n sa garden kasi may mga estudyante rin do'n na tumatambay. Kaya no choice kundi dito sa library. One week na ang nakalipas no'ng bisitahin namin sina Lolo at Lola. Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang no'ng huli namin silang makita. Actually, may klase sana kami ngayon pero I decided na wag nalang pumasok. Tsk, tinatamad ako. And besides, wala na kaming klase mamayang hapon, ewan ko kung bakit at wala pa akong tulog simula kagabi. Alam niyo kung bakit? Eto kasi 'yon Flashback. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagbabasa ng libro ng may marinig akong parang kumakatok sa pintuan ng veranda ng kwarto ko. Tumayo ako at hinawi ang kurtina na nakatakip rito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "What the f*ck are you doing here?!" Sigaw ko kay Tyrone na nakatatayo sa mismong harapan ko. Takte! Ano ang ginagawa ng tukmol na 'to dito?! Bakit siya nandito sa girls dormitory? Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko sabay sabing, "To naman, wag kang maingay, okay? Pumuslit lang ako patungo rito. At tsaka, Gusto lang kitang makita." nakaramdam ako ng matinding pamumula ng aking pisngi sa huli niyang sinabi. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin ngunit nakaramdam ako ng matinding saya sa sinabi niya. Naglakad siya papalayo sa akin at nilagay ang dalawa niyang kamay sa railings habang nakangiting pinagmamasdan ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Sumunod ako sa kanya at sinandal ang bewang ko sa railings. Tahimik lang kami ng mga ilang minuto na siyang nagpapa-ilang sa akin. Sa tuwing magkasama kami ni Tyrone ay hindi ko talaga maiwasang mailang. Ewan ko ba. Palagi ko nalang tinatanong ang sarili ko kung bakit sobrang lakas ng epekto niya sa akin. Sa tuwing makikita ko siya ay kompleto na ang araw ko, sa tuwing nakaka-usap ko siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko at sa tuwing titingnan niya ako ay hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng mukha. "Hays, anyway, kumusta pala 'yung pagbisita mo sa Lolo at Lola mo?" Tyrone asked. "Okay lang naman, at bakit mo natanong?" Sabi ko habang nakataas ng isa kong kilay na ikinatawa niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Ang cute mo, haha! Sige na. Matulog ka na, may klase pa tayo bukas. Good night, Ellyce." Sabi niya at hinalikan ako sa aking noo. Para akong napako sa kina-uupuan ko dahil sa ginawa niya. What the hell? Flashback ends. Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko 'yung ginawa ni Tyrone kagabi. At kahit ano man ang pagtatangging gagawin ko ay hindi parin maalis ang katotohanan na unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Gusto kong pigilan ang pagmamahal na meron ako para sa kanya dahil ako lang ang masasaktan sa bandang huli pero kahit ano man ang gawin kong pagpapalayo sa kanya gamit nitong isip ko ay hindi parin sang-ayon ang puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Arggh! "Hoy! Para kang baliw diyan! Ano bang iniisip mo at bakit mo sinasabunutan 'yang sarili mo?" Tanong ni Krystal sa akin. Umupo siya sa harapan ko at pinagmasdan ako. "Bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Wala lang. I was searching a book then nakita nalang kita ditong sinasabunutan ang sarili mo. Anyare?" She asked once again. "Tsk, wala, may iniisip lang." Sagot ko rito. Pansamantala muna siyang natahimik bago magsalita muli. "Gusto mong sumama sa akin? Nandoon silang lahat sa garden," Krystal suggested. Tsk, ano naman ang gagawin ko do'n? "Dali na," Wala na akong magawa ng hawakan niya ang braso ko at hinila palabas ng library. Nang makarating kami sa garden ay naabutan namin silang lahat na nagtatawanan. Nandito rin sina Trixie at Fiona, tapos na pala silang manood no'ng horror na pinanood nila kanina. "Guys, upo kayo, bilis." Pag-aaya sa amin ni Trever. Uupo na sana ako katabi ni Trixie nang maunahan ako ni Frost. What the?! Tumingin rin ako kay Fiona ngunit katabi na niya si Trever. Tiningnan ko kung may iba pa bang bakante at kung minamalas ka nga naman, sa gitna pa nila James at ni Tyrone. Dahan-dahan akong lumapit sa tabi nila at umupo ng naka-indian seat. "Okay, since kompleto na tayo, let's play truth or dare." Nakangising saad ni Frost sabay labas nung bottled ng soft drink. Grabeh, hindi halatang pinaghandaan noh? Inikot na ni Frost ang bote hanggang sa tumapat ito kay Krystal. "Truth or dare?" Nakangising tanong ni frost sa kanya. "T-truth," Mahinang saad ni Krystal. "How's your relationship status with Treves?" Frost asked. Nangunot ang noo ko sa tanong ni Frost sa kanya. Relationship status? Naging sila ba? "Naging sila, one year ago. Mate nila ang isat-isa," Bulong sa akin ni James. T-teka? Paanong... "Halata kasi sa expresyon ng mukha mo na curious ka sa sinabi ni Frost." Dagdag pa niya. Hays, akala ko kung ano na. "O-okay naman kami. N-nothing changed," Nakangiting sagot niya. Mukha namang nakuntento si Frost sa sagot ng kapatid niya ang pina-ikot ulit 'yung bottle. Pero bakit ganoon? Bakit feeling ko parang nagsisinungaling lang siya? Darn! Umandar na naman ang pagiging curiosity ko. Sunod namang tumapat yung bote kay Trever. "Truth or dare?" Si Alyana naman ang nagtanong. "Dare!" Boung tapang na sagot niya. Talaga lang ha? "Okay. Pff~ sumayaw ka ng ballet sa harap naming lahat." Alyana said with no hesitation. "S-sige!" Tumayo naman siya at sumayaw ng ballet sa harapan naming lahat. Pfft~ haha! Ang tigas ng katawan niya tapos may papikit pikit pa siya. Feel na feel niya talaga 'yung sinayaw niya, eh noh? Kahit mukha na siyang ulol, hahaha! "Hahahaha," Tawa naming lahat. Oo, pati ako nakitawa na rin. "Oh? Satisfied?" Nakabusangot na saad ni Trever at bumalik sa pag-upo. Pfft~ ang epic ng itsura niya ngayon, pramis. >>> Nandito kaming lahat ngayon sa dorm ng royalties. Kumakain habang nanonood ng movie. Wala lang, napagtripan lang talaga naming mag movie marathon ngayon. Naramdaman ko naman na may isang mabigat na bagay na bumagsak sa kanang balikat ko. Pagtingin ko ay ulo pala ni Tyrone. Tulog na yata? Hinayaan ko nalang siyang matulog sa balikat ko at pinagpatuloy ang panonood ng palabas. Krystal. Habang nanonood ng movie ay bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Habang umiinom ng tubig ay naalala ko 'yung mga nangyari sa nakaraan na hindi ko na gusto pang balikan. Flashback. Masaya kong pinagmamasdan ang paborito kong bulaklak na regalo sa akin ni Treves. Kakacelebrate lang namin ng aming 6th monthsary kahapon. "Hays! Kakakita palang namin kahapon pero namimiss ko na kaagad siya." saad ko at napagdesisyonan na puntahan si Treves sa kanyang kwarto. Naka-ilang katok na ako sa pintuan ng kwarto niya ngunit wala akong natatanggap na sagot mula sa loob kaya napagpasyahan kong pumasok nalang sa loob. "Babe?" Pagtawag ko sa kanya ngunit wala akong natanggap na respond. Chineck ko ang banyo pero hindi ko talaga siya makita kaya lumabas nalang ako ng kwarto niya at pumunta sa sala kung nasaan ang mga kaibigan namin. "Nakita niyo ba si Treves?" Tanong ko sa kanila. "Nakita ko siyang lumabas," Si Alyana ang sumagot. "Okay, salamat." Sabi ko at lumabas ng dorm namin. Naglakad lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa garden nitong school. Tatawagin ko na sana si Treves nang makita kong hindi lang siya nag-iisa. Ngunit, nagulat ako ng bigla nalang siyang halikan no'ng babae. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko. A-anong nangyayari? Mahal niya ako, diba? B-bakit? Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong lumayo at sumigaw ng sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko pero hindi magawang gumalaw ng mga paa ko. "K-krystal..." I was taken back when Treves called my name. "I-i'll explain, p-please.." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. He kept on saying nonthings and I love you's but my mind seems didn't want to listen. I step back and slap him right at his face. "How dare you to betray me while were still together?!" Galit na singal ko sa kanya, "I never thought that you will do this kind of thing to me! I loved you wholeheartedly but what did you do?! How could you?" Bahagyang pumiyok ang boses ko sa naging huling tanong. "Krystal, please..." He begged. I shook my head as I felt my tears falling down through my cheeks, nonstop. "Let's end it here," Huling saad ko bago nilisan ang lugar. Flashback ends. We broke up that time nang hindi man lang nalalaman ng kahit sino, even my friends. They've always see me smiling everyday but they didn't know that deep inside, I'm hurting whenever i saw him pero hindi ko pinahalata kasi ayaw ko silang mag-alala sa akin. I wish I will forget it because it's killing me inside. But it still keeps repeating on my mind. Ang buong akala nila ay kami parin ni Treves hanggang ngayon. I wanted to cry right now because I kept it a secret to them, but who knows? Maybe, sooner or later, I'll be going to smile and laugh without any pain in my heart. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD