BRIANNA GIBBS Point of View Nag-resign ako sa aking mga part-time jobs. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama si Sandy. Bago kami maghiwalay ay nagpapasalamat ako. Sinabi ko rin na kapag may oras ako ay bibisitahin ko siya. May number naman ako kaya maaari pa din kaming mag kamustahan sa text o tawag. Naging mabuti na rin ang kalagayan ni Tatay simula ng mailipat sa private. Nabawasan na rin ang daing sa akin at maayos ang pakikitungo sa tuwing binibisita ko. Tama nga ang desisyon ko na ibenta ang sarili ko. Iba nga siguro ang epekto ng pera sa tao at pipiliin mo na lang din maging masaya ang mahal mo sa buhay kahit pa kapalit ang kaluluwa mo. Wala akong naging problema sa pagpasok sa eskwelahan pero nakakaramdam na ako ng pagkabagot dahil pagkatapos ng klase ay kailangan ko n