BRIANNA GIBBS Point of View Ang araw ay parang oras lang sa bilis kung lumipas. Araw ng pagbisita ko kay Tatay ngayon. Kahit saan ako magpunta ay palaging kasama ko si mang Nestor. Hindi ako makakaalis kung hindi siya kasama. Hanggang ngayon ay wala ng tiwala sa akin si Aiden. Marahil ay iniisip niya na takasan ko siya. Paglabas ko ng bahay ay nandoon na si Mang Nestor at naghihintay sa akin. "Good morning, Ma'am Bria. Aalis na po ba tayo?" tanong niya. "Opo, Mang Nestor. Salamat po!" maligayang tugon ko. Nagtataka ako dahil iba na naman ang sasakyan na gagamitin namin. "Gaano ba karami ang sasakyan ni Aiden?!" tanong ko sa aking sarili. “Matagal na akong nakatira rito pero kakaunti pa lang ang nalalaman ko tungkol kay Aiden.” Worth-it na din ang aking sakripisyo para kay Tatay. Kah