BRIANNA GIBBS Point of View Naalimpungatan ako sa tunog ng shower sa banyo. Napatingin ako sa orasan at nagulat ng makitang mag-aalas sais na ng gabi. Ilang araw na akong nakakulong dito sa kwarto simula ng malaman ni Aiden na nagkita kami ni Ivann. Mula araw hanggang gabi ay binaling ko ang atensyon ko sa pagtulog. Nakakapanghina dahil mula gabi hanggang madaling araw ay pinaparusahan niya ako. Dahan-dahan akong tumayo upang suportahan ang sarili ko. Umupo ako sa dulo ng kama at hinihintay siyang lumabas. Napatingin ako sa diresiyon ng banyo ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napatitig ako kay Aiden na palabas doon habang nakatakip ng tuwalya at pinupunasan ang buhok gamit ang bimpo. Hindi maipagkakaila na ang ganda ng hubog ng katawan niya. Halos lahat ng parte ay perpekto. Hin