BRIANNA GIBBS Point of View Itunoon ko ang aking atensyon sa pagkain at pag-inom ng wine. Ito lang ang magagawa ko sa ngayon habang hinihintay si Aiden. Tanaw ko naman sa di kalayuan sina Mommy and Daddy kaya naman panatag ako na walang mangyayari sa akin dito kahit pa wala akong kakilala. Napangiti ako thinking na tumanda kami ni Aiden tulad ng magulang niya. Kapag dumating siguro ang panahon na iyon ay isa ako sa pinaka masayang tao dito sa mundong ibabaw. Bubuo ako ng pamilya na noon man ay hindi ako nagkaroon. Masayang pamumuhay kasama ang asawa at magiging anak namin. Maliwanag pa para managinip pero sa paraan na ito, may happy ending. Nawala lang ang aking pagkatulala ng may magsalita sa bandang likuran ko. Pamilyar ang boses na iyon. "Miss, can I have a seat?" Napaangat ang ti