BRIANNA GIBBS Point of View Ilang araw na ang nakalipas ng kausapin ako ni Mommy tungkol sa aking nanay. Para akong nabunutan ng tinik sa dib-dib ng masabi ko lahat sa kanya ang mga pasakit na naramdaman ko. Sa sandaling heart to heart talk namin ay nalinawan ako. Dahil sa paliwanag at suporta ni Mommy ay nag decide ako na kausapin si Nanay. “Anak!” mahinang tawag ng babae sa harap ko. Wala pa man kaming napag-uusapan ay nangunguna na ang mga luha sa kanyang mga mata na ikinakikirot ng aking puso. “Anak, salamat naman at pinagbigyan mo na magkausap tayong dalawa. Hindi ako nagkamali na lapitan si Celestina na kausapin ka. Anak masaya ako na bibigyan mo ako ng pagkakataon. Anak mahal na mahal kita, kaya’t sana mawala na ang galit diyan sa puso mo. Alam ko na nagkamali ako at nagkulang b