BRIANNA GIBBS Point of View Galing sa eskwelahan, nagmamadali akong umuwi sa bahay. I can't wait to see Mommy para ipakita ito sa kanya. I can’t imagine! Pagkatapos ng pagtitiyaga at pagpupursigi ko sa pag-aaral ay ga-graduate na ako. Napapaiyak ako habang nasa kotse. Ninanamnam ko pa basahin ang papel na ibinigay ng university kung saan mga nakalagay ang ga-graduate. Nakasulat din doon ang mga nakakuha ng honor's. Napatitig ako sa kuha kong toga picture na shinoot last week. Nakaka-proud! Agad kong hinanap si Mommy sa bahay pagdating ko. Wala ito sa sala, kaya anaman dumiretso na ako paakyat sa kwarto. Nakakadalawang katok pa lang ako ay narinig ko na ang tinig niya. "Come in." Binuksan ko ang pintuan at patakbo ako pumunta sa kina-uupuan niya. Sa kama Tinabihan ko at isinandal ang