BRIANNA GIBBS Point of View Maganda ang aking gising. Napaaga ba ako o medyo late na? Napatingin ako sa orasan. Maaga pa pero nagtataka ako kung bakit wala na si Aiden sa tabi ko. Napangiti ako at kinilig. "Excited na ba atalaga siya na pakasalan ako?" Naginat ako at tumayo upang tignan ang maaliwalas na paligid na tanaw ko dito sa aming kwarto. Natanawan ko ang aking mga kaibigan na nasa tabing dagat at mga nagkukulitan. Masaya ko silang tinitignan ng mapunta ang atensiyon sa akin ni Kevin. Itinaas nito ang kamay at sinesenyasan akong bumaba. Napangisi ako dahil pati ang apat na sila Sandy, Liz, Ivann at Ailene ay naghihiyawan na rin. Sumenyas ako na bababa na. Nagpalit ako ng damit pang swimming, yung hindi ganun ka daring dahil mayayari ako kay Aiden kapag nakita ako nitong naka swi