"Where are we going, Daddy?" tanong ni Cloud sa ama ng ipasok siya nito sa loob ng kotse at paupuin. "We're going to meet a special person. They are waiting for us. I want you to behave and be nice to them, okay?" bilin nito sa anak. "Okay!" matipid na sagot ng bata habang nakasilip sa bintana. "Is it far, Daddy?" tanong nito ng ilang minuto na silang bumabyahe, parang naiinip na ang itsura nito. "No... not really, we're almost there, baby," sagot ni Draco na hindi maalis ang tingin sa kanilang dinaraanan. Tumahimik ang bata at binalingan ang kaniyang mga dalang laruan. Naglaro ito para libangin ang sarili. Dalawampung minuto ang lumipas ng pumasok ang sasakyan ni Draco sa loob ng malawak na bakuran. Ipinarada nito ang sasakyan sa harapan ng bahay. Bumaba ito sa kotse at pagkatapos

