"Okay na, Sir." Inayos ni Lara ang suot na necktie ng asawa at pinagpag pa ang medyo nagusot na coat. "Am I handsome now?" nanunudyong tanong ni Draco. "Ngayon lang ba? Lagi ka namang gwapo, lalo na sa paningin ko," kunwari ay pabiro na sabi ni Lara, ngunit totoo naman. Dalawang buwan na siyang nagta-trabaho sa kompanya ng kaniyang asawa bilang sekretarya nito. Masaya siya sa itinatakbo ng buhay nila ngayon na magkasama na sila sa trabaho. Sabay silang pumapasok at halos araw-araw rin naman ay sabay silang umuwi. Kinabig siya nito at niyakap. "That's what I like about you... you never failed to compliment me." Hinalikan siya nito sa noo. "Sige na, tama na muna ang lambingan, kailangan mo nang magtrabaho. Nasa conference room na ang lahat ng architect at engineers, ikaw na lang ang hi

