Pasakay pa lang si Matthew sa kaniyang kotse ng biglang may malakas na pwersa na humila sa kaniya. Hindi na niya nagawa pang buksan ang pinto ng sasakyan. Galit na hinarap niya ang tampalasan ngunit hindi pa man niya naibabaling ng husto ang tingin dito ay isang malakas na suntok na ang sumalubong sa kaniya. Nasapol ng matigas na kamao nito ang kaniyang ilong dahilan para umagos ang dugo mula roon at sumadsad siya sa bumper ng sasakyan. Hindi pa man siya nakaka-recover ay nilapitan na siya nito at kinuwelyuhan. "How many times do I have to tell you not to mess up with my girl? Kahit kailan talaga wala ka ng ginawa kung hindi ang mang agaw. Kunin mo na ang lahat sa akin 'wag lang si Lara, dahil hinding-hindi ko siya ibibigay sa 'yo. Huwag na huwag mong sasalingin ni dulo ng daliri niya na

