Chapter 69- Desisyon*

1565 Words

"Oh, ano ang nangyari sa'yo?" takang tanong ni Marie kay Lara. Nang dumating kasi ito ay walang kaayusan ang itsura, namumutla at namamaga pa ang mga mata. "Wa-wala, masakit lang ang ulo ko," pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan ang ginawa sa kaniya ni Matthew, kahit gustong-gusto niyang magsumbong o makahanap man lang ng taong mapagkukwentuhan na maiintindihan siya at ang pinagdadaanan niya. "Kaya mo pa ba? Bakit hindi ka na lang muna pumunta sa clinic para ma-check ka ng doctor at mabigyan ka na rin ng gamot," suhestiyon ng kaibigan. Umiling siya. "Mamaya lang wala na 'to," aniya, bumalik na siya sa kaniyang pwesto para ipagpatuloy ang naiwang trabaho. Hindi niya mapigilan ang mapaluha sa tuwing sumasagi sa kaniyang isipan ang hindi magandang sinapit kanina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD